No wedding bells yet for Janice de Belen and non-showbiz boyfriend


"Kasi nga, yun ang iniisip ng iba. Pero hindi pa po.... Pero kung ako po ay ikakasal,sasabihin ko naman at hindi ko ililihim. Ako mismo ang magsasabi na,yes, ito na ‘to!" says Janice de Belen.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress-TV host na si Janice de Belen sa launching ng bagong show ng ABC-5 na Kapatid. Nilinaw agad ni Janice na naroroon siya not because part siya ng bagong show ng kaibigang si Dr. Joel Mendez, kundi para ipakita ang kanyang suporta sa beauty doctor.

Hiningan namin ng reaksiyon si Janice sa pagre-remake ng ABS-CBN ng soap opera na Flordeluna, na may titulo na ngayong Maria Flordeluna. Ang Flordeluna ang nagpasikat sa dating child actress.

Katulad din ba siya ng Megastar na si Sharon Cuneta na very vocal sa pagsasabing hindi siya masaya sa pagre-remake ng kanyang mga dating pelikula? Nabanggit kasi ng Megastar na sumama ang loob niya nang gawing soap opera ang pelikula niyang Bituing Walang Ningning at balak i-remake ulit ang first movie niyang Dear Heart. Si Sarah Geronimo ang pinili para maging lead sa dalawang remakes ng movies ni Sharon.

May nanghingi ba ng permiso o nagsabi kay Janice tungkol sa pagre-remake ng Flordeluna?

"No one asked permission from me," sagot ni Janice. "I'm just an employee of the show. I don't have the right to hold it. Kung sinuman ang gustong gumawa nito, they are free without asking my permission."



Lumabas din ang balita na ang gusto sana ng ABS-CBN na gumanap sa role ni Maria Flordeluna ay ang isa sa mga anak na babae ni Janice sa aktor na si John Estrada, na incidentally ay kasama sa remake. Napunta ang role sa rising child star na si ElizaPineda.



"Bali-balita rin lang yung sa akin. Nothing really solid. Siguro sa tatay nila, baka may nagsabi, pero hindi na sa akin yun. At saka kung tinanggihan niya [John], okay lang din yun. Sa akin man sinabi yun, I would have said no," sabi pa ni Janice.



"Mahirap para sa akin na itong mga anak ko will do something differently from their parents. Diyan sila lumaki. They are very exposed sa work namin. But as parents, siyempre we're hoping that they will do something else."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Siyempre nandoon yung silent dream mo na kahit ikuwento ko sa kanila, they would still want something else. Pero siyempre, kahit sinong nanay, may wish na sana meron sa kanilang maging doktor, abogado. Sana lang, may maiba.

"Basta ang importante lang sa akin, makatapos sila ng college and I keep saying to my children, be different from us. Kung gusto pa rin nilang mag-showbiz, okay lang sa akin. Basta tapusin lang muna nila ang college," sabi pa ni Janice.



IGI BOY. When it comes to her firstborn, Angelo Luigi Miguel Muhlach o si Igi Boy, hindi ipinagkaila ni Janice na like any other mother who has a teenage son, dumaraan din siya sa ilang struggles raising his eldest.



"He's big na. He's 19 years old. Nag-aaral siya pero like any teenager, it's a struggle between parents and children. Wala e, it's a struggle. Basta anuman yung pinagdadaanan namin ni Luigi, normal yun sa mga magulang. Palagi kang magkakaroon ng struggle, hindi man sa lahat, may isa or dalawa na lalabas diyan," paliwanag niya.



Sinabi pa ni Janice na maayos naman daw ang usapan nila ng ama ni Igi Boy na si Aga Muhlach pagdating sa kanilang anak.

"His relationship with Aga naman kasi, hindi naman ako nakikialam diyan. Kapag kailangan, nag-uusap naman kami ni Aga. Hindi naman problema kung mag-usap man kami ni Aga. Madali siyang kausap sa kahit na anong bagay," kuwento ni Janice.

LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, iwas-pusoy pa rin si Janice na pag-usapan ito. Paliwanag niya, hindi naman daw kasi artista ang bagong boyfriend niya.

"Ayoko talaga... There are things na ayoko nang pag-usapan kasi hindi naman siya artista e. Artista ako, so alam ko what we are subjected to as part of our job. This job that I am doing right now, he is not in any way part of the business. Tama nang ako na lang, nagkakaintindihan na kami. Siguro rin, kaya nagtatagal ang relationship namin is because hindi kami pareho ng field," mahabang paliwanag ng actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May usap-usapan na hinihintay na lang ni Janice na maka-graduate ang boyfriend niya. After that, ang pagpapakasal na raw nila ang kasunod.



"My gosh! Wedding na naman! Ano ba?!" natatawa niyang sabi.

"Siguro nga, that's the speculation ng mga tao kasi saan pa nga ba ako papunta? Parang doon na naman ako papunta...Pero hindi pa ako ikakasal, matagal pa. Hindi ko pa ‘yan iniisip," pagtanggi ni Janice.



"Kasi nga, yun ang iniisip ng iba pero hindi pa po. At wala naman akong magagawa sa iniisip ng mga tao. Pero kung ako po ay ikakasal, sasabihin ko naman at hindi ko ililihim. Ako mismo ang magsasabi na, yes, ito na ‘to!"

Dagdag pa niya, "At saka habang wala pang nangyayari, hangga't hindi pa ito crystal clear happening e hindi na muna. Wala na muna. At saka akala ng iba, reding-ready na ako!"



Hindi pa siya ready?


"Well, hindi ko rin alam pero parang teka, huwag muna!" tawa niya.


Would she say na na-trauma kasi siya from her previous marriage?


"It has nothing to do with trauma," paglilinaw ni Janice. "Kasi napakarami ko nang ginawa na minadali sa buhay. This time, I want to do it right. It's not a joke. I know that already. Hindi mo pwedeng sabihin na okay, tapos hindi mo naman pala mapapanindigan at the end.



"It's not that ako ang dahilan kung bakit hindi mapanindigan ‘til the end pero yun na nga e, since hindi nangyari nang tama, gusto ko kung anumang desisyon na gagawin ko—either pumasok ako ng business, pag-aasawa or simpleng pagdedesisyon lang—I want to to do it right. Basta sa ngayon, ayoko munang pag-usapan ang mga readiness."



Dugtong pa niya," Masaya naman ang buhay ko ngayon so bakit ako magmamadali sa mga ganyang bagay? If it will come, it will come."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MGA ANAK NI JANICE. Kung sakali man daw na magpapakasal ulit si Janice, hindi naman daw ito magiging problema sa apat na anak niya kay John.


"Alam n'yo, kakahiwalay ko pa lang [kay John], I already explained to my children that one day, one or both party would want to re-marry. E ganun, dapat intindihin nila. Hindi naman sa pinipilit namin na intindihin nila, pero heto ang sitwasyon. Maaaring tatay n'yo, or maaaring ako. Nevertheless, they have to be ready to eventualities," sabi ni Janice.



"Wala namang problema sa mga anak ko because I'm proud to say that, I think, I brought them up well. That I think, I've been very honest to them. And I think, I have explained our situation well enough for them to understand."

Dagdag pa ni Janice, "I'm so thankful that I was blessed with children who are all understanding. Mataas ang coping mechanism nila. Medyo mahirap kasi yun... Coping mechanism ang isang bagay na hindi mo mabibili kahit saan."

JOHN ESTRADA. Civil naman daw ang relasyon nila ng ex-husband niyang si John Estrada. Kung nag-uusap man daw sila, it's all strictly matters about their children lang.



"John and I are civil," sabi ni Janice. "We're civil because we have our children. Matters that we talk about are all about our children so anything further than that is none of our business."



Kinumusta rin ng PEP kay Janice ang naging problema niya noon in terms of financial support ni John sa kanilang mga anak at kung naayos na ba ito. Matagal bago nakaapuhap ng isasagot si Janice sa tanong na ito.



"I'm sure he's choosing to be a better person so let's not dwell into that matter. There are things that are needed to be settled. Siguro hindi sa part ko dahil as far as I'm concerned, whatever my obligation pagdating sa mga anak ko, I do it. Ayoko nang magsalita masyado," kibit-balikat na lang na nasabi ni Janice bilang pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN