Jay-R denies rumors linking him to Gwen and Alessandra


Jay-R vehemently denied that he had a one-night stand with Viva Hot Babe Gwen Garci and that he had a romantic relationship with young actress Alessandra de Rossi.


Bukod sa career niya bilang singer at TV host, pinasok na rin ng Prince of R&B na si Jay-R ang pagiging isang businessman. With his business partner, ang foreigner na si Dee Augerwald, they came up with Rock Candy, a hip bar sa Glorietta 2, Makati.

Ang nasabing bar ang dating Venezia na naging V-Bar na naging Citrus, at ngayon nga ay Rock Candy na.

"It's very elegant. Kahit nga yung mga bouncers namin, naka-suit and tie. But don't be deceived by the elegance, the prices are very affordable," pagmamalaki ni Jay-R sa Rock Candy during an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado si Jay-R na malaki ang investment niya sa pinasok niyang negosyo, pero ayaw niyang i-divulge kung magkano ang exact amount.

Hindi ba nagwu-worry si Jay-R na magaya ang Rock Candy sa ibang bars, particularly ang Embassy na madalas pinangyayarihan ng mga away ng mga celebrities?

"No, that is one thing that we wanna achieve—na walang away na mangyayari sa bar namin. Just good music, drinking and having fun all night," sabi ni Jay-R.

Idinagdag ni Jay-R na may mga banda rin na magpe-perform regularly sa Rock Candy. May mga special nights din daw na mismong si Jay-R ang performer.

Samantala, isang mariing "No!" ang sagot ni Jay-R nang tanungin namin kung nagkaroon ba sila ng relasyon ng sexy star na si Gwen Garci. Na-link kasi dati sina Jay-R at Gwen at aminado ang singer na pinagselosan ng non-showbiz girlfriend niya of eight years na si Myra Eliza Calove ang nasabing Viva Hot Babe.

Mariin ding itinanggi ni Jay-R na nag-one night stand sila ni Gwen.

Bukod kay Gwen, nagselos din daw ang girlfriend ni Jay-R sa co-host niya sa My Music Station (MMS) ng QTV 11 na si Alessandra de Rossi. Pero tulad ni Gwen, ayon kay Jay-R, never daw silang nagkaroon ng anumang romantic involvement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're just friends. Tsaka bagong break pa lang si Alex, ano ba kayo?" natatawang reaksiyon ni Jay-R, na ang tinutukoy ay ang break-up ng young actress sa ex-boyfriend nitong si Jeremy Marquez.

"And besides, bukod sa may girlfriend na nga ako, hindi ako type ni Alex. I treat her as a friend and as a co-worker in the business," dagdag pang pahayag ni Jay-R.

Jay-R is regularly seen in SOP every Sunday sa GMA-7 at sa MMS ng QTV 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN