Jesi Corcuera escapes "StarStruck" elimination yet again


StarStruck contestant Jesi Corcuera has been voted out by her co-Survivors many times, but remains to be one of the strongest contenders for the four titles at stake this year.


Kahit ilang beses nang nanganib matanggal, nananatili pa ring survivor ang openly lesbian na si Jesi Corcuera sa StarStruck The Next Level.

Walang natanggal sa elimination episode ng Starstruck: The Next Level telecast live sa Broadway Centrum kagabi, February 11, although na-single out si Jesi sa bottom list. Again, she received the most number of vote outs from her co-Survivors; five out of seven voted her out.

Medyo minalas din si Jesi—or was it the other way around on Paulo Avelino's side—dahil ang itatambal na sa kanya starting this week is Paulo. The boy from Baguio has been vocal against Jesi. Nothing personal ito, pero palaging binu-vote out ni Paulo si Jesi dahil hindi nga raw siya bagay for StarStruck.

The other final pairing will be Prince Stefan and Stef Prescott, Aljur Abrenica and Jewel Mische, and Mart Escudero and Kris Bernal.

Bago pa man na-pair off ang walong natitirang Survivors, may existing fans club na sina Prince and Stef, the same way with Mart and Kris na nag-lips-to-lips pa nga right after their dance number kagabi na ikinagulat at ikinakilig ng kanilang mga fans.

Hindi pa sigurado kung ang next elimination will be a pair again. Kung magkakataon, malamang na pati si Paulo ay matanggal lalo na't kung ilang beses nang nanganib na ma-vote out si Jesi.

This week, it will be the Survivors versus the Avengers na binubuo walo sa mga nauna nang natanggal from the top 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN