Alfonso Martinez now ready to follow in his dad's footsteps


Alfonso Martinez, son of actor Albert Martinez and former child star Liezl Sumilang, is now showing interest in show business.



Malakas talaga ang dugong artista na nananalaytay kay Alfonso Martinez, ang 19-year-old son nina Albert Martinez at Liezl Sumilang. Bukod sa pagkakaroon ng mga artistang magulang—si Albert ay isang kilalang aktor habang naging child actress at young star din dati si Liezl—ay apo pa siya ng dalawa sa pinakasikat na artista noong ‘50s na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Sa isang interview noon ni Albert ay sinabi nitong hindi niya nakikitaan ng hilig sa pag-aartista ang alinman sa kanyang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa. Ayon sa aktor ay siya pa nga ang mismong kumukumbinsi kay Alfonso na subukan ang pag-arte o kaya pagmu-model, ngunit ayaw raw ng binata niyang anak.

Minsang mag-guest si Albert sa morning show ni Boy Abunda na Homeboy ay isinama niya si Alfonso. Habang nakasalang si Albert ay kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alfonso.

Sa pakikipagkwentuhan namin sa kanya ay napag-alaman naming interesado rin pala si Alfonso na pumasok sa showbiz, taliwas sa sinabi ng kanyang ama sa interview nito dati. Ang ina raw niyang si Liezl ang talagang may gustong mag-artista siya, pero sinabi ni Alfonso na kailangan niya munang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Ani Alfonso, "My Mom, siyempre gusto naman niyang mag-artista ako, pero I have to finish my studies first. My Dad naman, he says, ‘Whatever you want basta do something na you will enjoy. Gusto mo ng computer, may computer. Gusto mong mag-artista, we can do it, I'll help you. Pero now, television and movies are medyo mahirap. Pero kung 'yon ang gusto mo and if you fail or whatever, I'll just be around just in case.'"



DUGONG-ARTISTA. Huminto ng pag-aaral si Alfonso at pumunta ng United States para roon magtrabaho. Ngayon ay gusto na niya uli mag-aral sa La Salle at kung saka-sakali ay nasa third year college na siya pagpasok. Hindi pa raw siya desidido kung anong kurso ang gusto niya kaya preparatory subjects muna ang kukunin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, two more years I'm done. Honestly, I don't really know what I wanna be. So whatever," sabi pa ni Alfonso who stands at 5'11".

Dahil hindi pa siya sigurado kung ano ang gusto niyang gawin after graduation, posible rin daw na sundan niya ang yapak ng kanyang ama.

"If it's really a good offer, I'll consider it," sabi ni Alfonso. "Pero I'll stick to finishing my studies first. But I can do mga commercial-commercial, why not?"

BUHAY-AMERIKA. Matagal na nanirahan si Alfonso sa San Francisco, California, kung saan nakasama niya ang kanyang lolo na si Romeo Vasquez. Ayon kay Alfonso, maganda raw ang pamumuhay ng kanyang lolo sa Amerika. Ipinagmamalaki pa nitong hindi pa mukhang lolo ang dating matinee idol dahil sa inaalagaan nito ang kanyang katawan.

Nasa sales ang trabaho ni Alfonso sa San Francisco dati. Nagtitinda raw siya ng mga home appliances. May mga customers din daw siyang mga Pinoy na nakakakilala sa kanya, pero never daw niyang ginamit ang pagiging artista ng mga magulang niya para makabenta.



"Yung mga Pinoys, they are looking for good deals. Ako naman, being a son of celebrities... I mean, doon naman, why would I cheat? Bakit ko naman sila papatungan? I don't want naman to make patong kasi sabi ko, huwag na lang muna, may sale naman bukas," kuwento niya.

Kung papipiliin si Alfonso, saan niya gustong manirahan, dito sa Pilipinas o sa Amerika?



"Hard e. I mean, I love the food here like sisig, crispy pata. My friends are here, my family's here. Pero sa States kasi, maganda rin doon to work," sagot ng binata.



FUTURE RIVAL? Napag-alaman din namin kay Alfonso na magkaibigan pala sila ng young actor na si Richard Gutierrez, anak ni Eddie Gutierrez na kasabayan ni Romeo Vasquez noon sa Sampaguita Pictures. Pero hindi naman daw silang masyadong close dahil hindi sila masyadong nagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa nga si Alfonso nang sabihin namin na kung papasok siya sa showbiz ay sa ABS-CBN siya dapat magpa-kontrata para kung saka-sakali ay pwede siyang ipantapat kay Richard na top leading man sa GMA-7.

"I think that would be a fine idea," pagsang-ayon naman ni Alfonso. "Si Richard na anak ni Tito Eddie at ako naman na apo ni Romeo Vasquez. Fine match, di ba? Siya sa GMA at ako naman sa ABS-CBN.



"Noon pa kasi, Mr. [Johnny] Manahan told me na mag-artista ako. Pero dahil mahiyain ako, sobrang mahiyain kaya 'di ako pumayag. Pero ngayon, I have to see him na and tell him, I'm ready," nakangiti niya pang sabi.



Ikinagulat din namin ang naging sagot ni Alfonso nang tanungin namin kung sino ang crush niya sa showbiz—si Georgina Wilson daw. Alam ba ni Alfonso na si Georgina ang girlfriend ni Richard?



"No. I'm not masyado sa mga tsismis e. I mean, I just know her as I see her on billboard, as I see her in Ateneo. Nothing personal naman e, pero ang galing niya. Maganda and she's also intelligent, honor student siya. Ang galing niya talaga!" nakangiting pahayag ng binata.



Given the chance, would he court Georgina?



"Yup, but she's taller than me," sambit nitong sinabayan ng tawa.



Will that be a problem?



"No, if I really love her. No, kuwan lang, ang weird," sabi niya.



Naka-ilang girlfriends na ba siya?



"Officially, one pa lang. Ako kasi, I don't want to commit kung ‘di ko naman kaya. Sayang ang time, sayang ang effort. My one girlfriend, the one reason we broke up was she left to finish her studies in Switzerland," pagtatapos na ni Alfonso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN