Yasmien Kurdi not yet ready to pose for sexy magazines


"Hindi ko kaya, hindi ako ready diyan. Ayoko talaga!" shrieks Yasmien Kurdi when asked if she's willing to pose for sexy magazines.



Isang seksing Yasmien Kurdi ang nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday ni Lovi Poe last Sunday night, February 11, sa Teatrino Greenhills. Nakasuot lang ng brown sleeveless blouse that night si Yasmien kaya kitang-kita ang kanyang slim figure. Agaw-eksena rin ang nagmumurang dibdib ng young actress-singer.

Dahil dito ay tinanong namin si Yasmien kung kailan siya makikita ng publiko sa cover at mga pahina ng FHM at iba pang sexy magazines. Fad at in na in among young female stars—gaya nina Angel Locsin, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Camille Prats, Angelica Panganiban, Iwa Moto, Ehra Madrigal, Sandara Park, at Roxanne Guinoo—ang mag-pose nang sexy sa men's magazines. Ito ang isang bagay na hindi pa ginagawa ni Yasmien.

"Ay, ayoko!" tili ni Yasmien. "Hindi ko kaya, hindi ako ready diyan. Ayoko talaga!"

Kaugnay ng kanyang pagpapapayat, sinabi ni Yasmien na madalas daw siyang pagalitan ng kanyang ina kapag napapalakas ang kanyang kain.

"Sabi ni Mama, mataba raw ako ngayon kaya kinukontrol niya ang pagkain ko. Huwag daw akong kumain nang kumain. Pero ang sabi ko sa kanya, kapag nag-diet ako nang sobra, kapag pumayat ako, liliit ang boobs ko!" tawa nang tawa pang pahayag ni Yasmien, na kamakailan ay sumailalim sa smart lipo upang bawasan ang taba niya sa puwet.

Samantala, sumuporta si Yasmien sa first major concert ng kaibigan niyang si Lovi, who staged It's Gonna Be Love nito ngang nakaraang Linggo ng gabi. The best of friends ngayon sina Yasmien at Lovi na nagsimula sa halos araw-araw na pagsasama nila sa taping nila sa Bakekang. Magkapatid ang roles nila sa nasabing drama series ng GMA-7.

Tinanong din ng PEP si Yasmien kung kailan siya magkakaroon ng major concert na tulad ni Lovi.

"Ay, hindi ko pa kaya! Kakabahan ako, baka hindi ko kayanin. Siguro gagawin ko rin ‘yan. Magso-solo concert rin siguro ako, pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako ready," pagtatapos ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN