Marian Rivera traumatized by her short-lived romance with Mark Herras


Marian Rivera now prefers a non-showbiz suitor than someone from showbiz. "Ayaw ko nang mamroblema," says the young actress.



Tuwing tinatanong si Marian Rivera tungkol sa sampalan issue nila ng character actress na si Odette Khan sa set ng drama series na Muli, natatawa na lang ang young actress dahil hindi niya akalain na magiging malaking issue ito.



Para kay Marian ay tapos na raw ang issue at okay na sila ni Odette.



"Nagulat nga ako nang tanungin ako regarding that. Ni hindi nga ako nagsalita or nagkwento about the incident. Siyempre, bilang respect ay sinabi ko naman na eksena kasi ‘yon at mas maganda kung makatotohanan," sabi ni Marian.



"Actually, it's no big deal naman. Alam ko naman na may mangyayaring sakitan kapag may gano'ng mga eksena. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganyan," aniya pa.

Bukod sa Muli ay kasama rin si Marian sa kasisimula pa lang na drama-adventures series ng GMA-7 na Super Twins. Ginagampanan niya rito ang papel ng ina nina ng kambal na sina Sha Sha at Tin Tin (Nicole Dulalia at Ella Cruz).

Hindi ba siya nagdalawang-isip na gumanap ng mother role samantalang napakabata pa niya?



"Okay lang for me to do mother roles kasi maganda ang role at may kakaibang twist. The role excited me kaya I had to do it, or else pagsisisihan ko kung pakakawalan ko," sagot niya.



May non-showbiz suitor ngayon si Marian. Mas gusto na raw niya ito kesa sa taga-showbiz ang manligaw sa kanya. Medyo na-trauma raw kasi siya noong ma-link siya kay Mark Herras.



"Ayoko na kasing mamroblema!" nakangiting sabi ni Marian. "Tama na ‘yung isang showbiz guy ang naging manliligaw ko. Stick na muna ako sa non-showbiz guy para walang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN