Biboy Ramirez on Jackie Rice: "Alam kong in love ako sa kanya"


"Alam kong in love ako sa kanya. Sa part niya, hindi ko pa alam kung in love siya sa akin," says Biboy Ramirez about rumored girlfriend Jackie Rice.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Biboy Ramirez nang minsang magkaroon ito ng pictorial sa studio ng celebrity photographer na si Edward dela Cuesta. Siyempre pa, muling kinumusta ng PEP kay Biboy si Jackie Rice at kung ano nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon.



Matagal na ring nasusulat at iba't ibang intriga na rin ang naglalabasan tungkol sa kanilang dalawa ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor. Pero up to now, pareho pa ring itinatanggi nina Biboy at Jackie na silang dalawa na.



Ayon kay Biboy, talaga lang daw wala silang pwedeng aminin na direktang mag-on sila.



"Hindi pa talaga kami," giit ni Biboy. "Yun ang totoo. Kasi walang malinaw e. Kahit sa amin, walang malinaw. Kung naaalala nyo, yung naging relasyon namin noon ni Alex [Alessandra de Rossi], naging kami, pero hindi namin sinasabi na mag-boyfriend kami, kasi wala talagang formal na 'tayo na.' Pero nagmamahalan kami...parang ganoon lang din.

"Ganoon yung relasyon namin ni Jackie. Walang anniversary, pero alam namin ang nararamdaman namin sa isa't isa. Kasi, di ba, kapag sinabi mong kami na, dapat may date? May sine-celebrate na monthsary or alam n'yo kung kailan naging kayo? Kami kasi, wala talagang ganoon."



Ayon pa kay Biboy, hindi naman daw niya maitatanggi na talagang madalas niyang kasama si Jackie. Pinupuntahan niya ito sa bahay at lumalabas sila. Masaya siya 'pag magkasama sila.



LABELING. Sabi pa niya, kung tatanungin daw talaga sila kung ano'ng maitatawag sa kanila, wala siyang maisasagot.

"Kailan ba kasi talaga may label?" tanong ni Biboy. "Hindi ko rin kasi alam kung ano ang itatawag ko. Mag-MU siguro, mutual understanding. Kasi, di ba, yun naman talaga ang ibig sabihin ng MU, yung naiintindihan niya ako at naiintindihan ko siya?"



Pero for the record, nanliligaw ba siya kay Jackie?



"Hindi na kasi hindi na kailangan," sagot ng young actor. "Pero hindi dahil kami na. Hindi na, kasi sabi naman niya, hintayin ko muna siya kapag 18 na siya. Yun kasi ang sinasabi niya sa akin at yun din naman ang gusto ng daddy niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano naman niya idedepensa ang sarili niya na tila okay lang sa kanya ang lahat kahit na patuloy siyang idinidenay ni Jackie sa mga interviews sa kanya? At sa kabila nito, madalas ay PA (personal alalay) or driver naman daw ni Jackie ang labas ni Biboy?



"Siyempre, ganoon naman talaga, di ba? Kasi kapag nanunuyo ka, dapat samahan mo. Ipag-drive mo kung kinakailangan. Hatiran mo ng pagkain. Wala naman akong nakikitang masama roon as long as hindi naman naaapektuhan ang trabaho ko," paliwanag ni Biboy.



"Ang kasama ni Jackie sa bahay, ang daddy niya. Siyempre, hindi naman din sanay ang daddy ni Jackie sa mga pasikot-sikot sa Manila. Amerikano tapos sa Olongapo pa nakatira. Hindi niya alam kung saan dapat makabili ng ganito, ganoon. So madalas ako ang napagtatanungan. Kung mga ganung bagay lang, bakit ko naman ipagkakait ang tulong ko?" aniya pa.

PASAWAY. Kung matatandaan, ang pagiging "pasaway" after niyang manalo sa StarStruck ang naging dahilan kung bakit nabawasan ang projects ni Jackie sa GMA-7 at kung bakit din hindi na siya masyadong napu-push. Kasabay pa nga raw nito ay tila nakadagdag pa ang pagkaka-link niya kay Biboy, lalo pa't may ka-loveteam sanang ipinu-push noon for Jackie—ang StarStruck Batch 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo.



Aware ba si Binoy sa sinasabing he has something to do rin kung bakit lalong hindi umaangat ang career ni Jackie?



"Kasi ganito 'yan... Sa mga nakakausap ko kasi, sinasabi nila na okay naman si Jackie. Okay siyang kausap, okay siyang kasama. Kaso, simula nang ma-suspend siya at nagbalik siya ulit, noong humarap siya ulit sa mga tao—sa GMA, sa mga staff—nailang na siya," kuwento ni Biboy.

"Unang-una, bata pa siya. Yung mga lumabas na isyu sa kanya, sobrang bigat para sa isang bata. Tapos, noong natapos na ang suspension niya at humarap siya sa mga tao, feeling niya, yun pa rin ang iniisip sa kanya—yung suspension. So nailang na siyang humarap sa ibang tao. Ganun yung nangyayari sa kanya," ani pa ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandito naman ako para i-explain sa kanya, tulungan siya na ganito lang yan. Pero kung nakakasira, I don't think so. Kasi wala naman kaming ginagawa na makakasira sa aming pareho. Ngayon nga, kung may call time din siya minsan, sinisigurado ko pang hindi siya male-late dahil pinapa-gising ko siya. Kumbaga, nandito ako para tulungan din siya.

"At saka si Jackie, hindi na rin siya gumigimik ngayon. Hindi na siya nagba-bar or makikita kung saan man. Kung gumigimik man ‘yan, usually sa mall na lang," pagdepensa pa ni Biboy.

AGE GAP. Obviously, mukhang walang kaso kay Biboy ang age gap nila ni Jackie. Twenty-five na si Biboy samantalang si Jackie naman ay 16 years old pa lang. Diretsahan ngang tinanong ng PEP si Biboy kung masasabi niyang in love talaga siya sa dalaga?



"Oo!" walang kagatul-gatol niyang sabi. "Siyempre ako, alam kong in love ako sa kanya. Sa part niya, hindi ko pa alam kung in love siya sa akin."



Okay lang sa kanya yun?



"Oo naman! Bakit, kapag ba nagmahal ka, kailangang may kapalit?" sabi niya.

Kung sa part ni Biboy, tila ang dami niyang naibibigay for Jackie, what about Jackie sa kanya? Ano naman ang masasabi niyang nabe-benefit niya sa mga ginagawa at ibinibigay niyang atensiyon sa dalaga?



"Nandiyan siya kapag kunwari may problema ako. Nandiyan siya para makinig. Yung mga kaibigan kong non-showbiz, kadalasan busy 'yan sa school nila so hindi ko na sila nakakausap. Kunwari nalulungkot ako, nabu-bored ako sa taping, ka-text ko siya. Yung attention niya, yung company niya," pag-e-enumerate pa niya.



Pero aware naman ba sila sa feelings nila sa isa't isa?



"Alam niyang mahal ko siya," sagot ng young actor. "Hindi siya nagsasabi ng ‘I love you' or kahit na ano. Minsan tinanong ko siya, pero di ba, wala na sa ligawan? Never pa siyang nagsabi ng 'I love you'... Nagsasabi siya or nagte-text ng ‘I miss you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Imposible? Imposible talagang tingnan, pero walang imposible. Ang salitang imposible kasi, opinyon yun ng isang tao. Hindi 'yan pang-general. Maaaring imposible sa iba, pero sa akin hindi," punumpuno ng emosyong pagtatapos ni Biboy.

Kakatapos lang ni Biboy ng Atlantika sa GMA-7 at naghihintay lang daw siya ng kasunod na project na ibibigay sa kanya. Kasabay nito, busy rin siya sa pag-aaral ng photography sa La-Salle Benilde, kung saan nasa second semester na raw siya ng four-semester course niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN