Has success already changed Yeng Constantino?


Yeng Constantino is now feeling how it is to be famous as several issues are being thrown at her.



Pagkatapos itanghal bilang kauna-unahang Pinoy Dream Academy (PDA) Grand Winner at sumikat ang awitin niyang "Hawak-Kamay," kaliwa't kanan ang mga intrigang ipinupukol ngayon kay Yeng Constantino.



Una na rito ang usap-usapan na sobrang taas daw ng talent fee na hinihingi ng kampo ni Yeng kaya hindi ito ma-afford ng ilang mga producers na gusto siyang kunin para mag-perform. Balita rin na kinakikitaan na raw ng sobrang kayabangan at pagmamalaki si Yeng. Gusto rin daw nitong lagi siyang pinagkakaguluhan at binibigyan ng special treatment.

Binigyang-linaw ni Yeng ang lahat ng mga paratang na ito sa kanya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, February 11, during the live presentation of ASAP '07 sa ABS-CBN.



"Unang-una, ang part ko lang as an artist is mag-perfom," panimula ni Yeng. "Hindi ako kasama sa transaksyon ng pera o kahit na anong bagay. Basta ako nagpupunta doon para magtrabaho at magpasaya ng tao. Ang nag-uusap sa mga ganung bagay is ABS-CBN, tapos yung manager ko, si Mr. Jay Lavides.

"Minsan masakit talaga pag sinasabihan kang 'makapal ang mukha, akala mo kung sino e kabagu-bagong artista, kung maningil e ganito, walang karapatan.'

Patuloy ni Yeng, "Ako kasi, bata pa lang ako, ang gusto ko na ay magpasaya ng mga tao. Hindi ako nag-iisip ng mga ganitong bagay. Dati nga, kumikita lang ako ng P250 a night, three sets, 30 to 40 songs. Masaya na ako basta alam kong nakakatugtog ako.

"Sa akin, masaya ako kasi nakakatulong ako sa parents ko. Pero hangga't maaari, ayokong ma-involve sa pera kasi ‘pag nahaluan ng pera yung artistry ko, di na siya pure."

Nilinaw rin ni Yeng ang intrigang sa sobrang kayabangan niya ay gustung-gusto niya na binibigyan ng special treatment. Lagi rin daw nakataas ang ulo niya na parang ipinagmamalaki niya na siya ang PDA Grand Winner.



"Wala akong masasabi kung ganun ang tingin nila sa akin," mahinahon niyang tugon. "Ang lagi kong naiiisip kaya nila nasasabi ‘yon, kasi ganito ako magsalita at para akong maton. Nakalakihan ko na kasi yung ganito dahil mga lalake ang karamihan ng mga kaibigan ko. Siguro misunderstood lang ako ng ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya, "Sa akin, personally, kung ganun ang tingin sa akin ng iba, ayos lang kasi di ko naman sila mapi-please lahat. Pero ako sa sarili ko, alam ko na wala akong ipinagyayabang. Wala akong ginagawang masama.

"'Pag pumupunta nga ako sa isang lugar, nakayuko lang ako. ‘Pag dadaan ako, di mo makikita na proud na proud ako na magpakita sa tao. Hiyang-hiya nga ako ‘pag may nagpapa-autograph sa akin minsan," sabi pa ni Yeng.

Samantala, inakala ng iba na mauuwi na sa isang seryosohang relasyon ang sweetness na nakita sa kanila ni RJ Jimenez sa loob ng PDA house. Pero ayon kay Yeng ay mas magandang magkaibigan muna ang samahan nila ni RJ.



"Di ko siya naging boyfriend," paglilinaw niya. "Sobrang naging close kami sa loob, pero alam namin na iba yung purpose namin kung bakit kami pumasok sa PDA. So focus muna kami on our dreams.

"Nandito na ako, sasamantalahin ko na siya. Nandiyan na rin si RJ, so dapat pagbutihan niya na rin. Nag-decide kami pareho na maging magkaibigan na lang kami and nagkaintindihan naman kami dun," pagtatapos na ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN