Yeng Constantino being courted by Jay-R Siaboc?


Ex-Pinoy Dream Academy scholars Yeng Constantino and Jay-R Siaboc seem to have developed special feelings for each other after being constantly together.


Balitang nanliligaw na rin ang Pinoy Dream Academy (PDA) runner-up na si Jay-R Siaboc sa PDA Grand Winner na si Yeng Constantino.

Soulmates noong nasa loob pa lang ng PDA compound, ayaw pang magpaligaw noon ni Yeng dahil bukod sa kuya ang turing niya kay Jay-R, she was just 17 at that time. Yeng turned 18 last December 4.

That time din ay mas close si Yeng kay RJ Jimenez samantalang si Jay-R naman ay nagkaroon ng short-lived romance with Iya Ginez. Jay-R and Iya broke up after PDA.

Paglabas ng final six PDA scholars—Yeng RJ, Ronnie Liang, Panky Trinidad, Irish Fullerton, and Chad Perlata—although walang ginagawang team-up sa anim, na incidentally ay match-up naman dahil there are three boys and three girls, mayroong nakakapansin sa closeness nina Yeng and Jay-R.

This was further bolstered by an eyewitness report last February 13 sa backstage ng Aliw Theater during the Valentine concert of Christian Bautista and Rachelle Ann Go, kung saan sina Yeng at Jay-R ang special guests. Reportedly, kung gaano ka-sweet on stage sina Christian and Rachelle, who will celebrate their second anniversary this month, ganoon din daw ka-sweet backstage sina Yeng and Jay-R.

Wednesday afternoon, pinadalhan ni Jay-R si Yeng ng bulaklak at chocolates sa bagong bahay nito sa may EDSA Shaw.

Nakatakdang umalis ng bansa sina Yeng at Jay-R kasama sina Ronnie, Irish, Panky, at Chad Peralta starting next month papuntang Japan and by July sa United States. Malamang na mas lumalim pa ang pagsasama ng dalawa kapag malayo na sila sa tingin ng mas maraming tao.

Ang tanong ngayon ng marami ay paano na si RJ na unang na-link kay Yeng noong pareho pa silang nasa loob ng PDA house?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN