Alessandra de Rossi nearly accepted project with ABS-CBN


Alessandra de Rossi remains loyal to GMA-7 despite the fact that she has no contract with the Kapuso Network.


Muntik na palang maging Kapamilya ang young actress na si Alessandra de Rossi.

May offer ang ABS-CBN sa nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi. Siya sana ang makakasama nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann sa serialization of the comics-turned-movie from Regal Films na Hiram Na Mukha.

Ipinagpaalam ng manager ni Alex na si Manny Valera ang offer sa mga executives ng GMA-7 dahil kahit walang kontrata si Alex sa Kapuso network ay nanatili namang loyal ang young actress. Gumawa ng paraan ang GMA-7 na magkaroon kagaad ng projects si Alex kung kaya't hindi na siya natuloy sa Hiram Na Mukha.

Huling napanood si Alex sa Linlang episode ng Now and Forever, kung saan kasama sina Lorna Tolentino, Polo Ravales, at Diana Zubiri. Sa primetime, huli naman siyang lumabas sa Etheria, ang sequel ng Encantadia. Tumatak si Alex sa dalawang primetime soaps na Kung Mawawala Ka bilang bunsong anak ni Eddie Garcia at sa Darna ni Angel Locsin bilang si Valentina.

May isang show si Alex ngayon ngunit nasa QTV 11, ang MMS kasama sina Raymond Gutierrez at Jay-R.

Hindi rin ito ang unang pagsasama sana nina Alex at Heart na napurnada. Bago nag-renew si Heart ng kontrata niya sa ABS-CBN, magkakasama sana sila nina Alex at Oyo Sotto sa pamalit na soap ng TAPE sa Sana Makita Kang Muli. Hindi ito natuloy dahil nahiram muna ng GMA-7 ang timeslot ng TAPE na part ng Dramarama Sa Hapon para gamitin ng Muli nina Alfred Vargas at Carrie Lee.

Si Heart kasama ng kanyang boyfriend na si Jericho Rosales ay balik ABS-CBN na nga.

Galing din sa GMA-7 si Geoff na anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa bago ito lumipat sa ABS-CBN. Si Heart din ang kanyang unang naging partner sa soap opera na Hiram nina Kris Aquino at Dina Bonnevie. Sa kanilang muling pagsasama, may Hiram na naman sa titulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN