Anne Curtis surprised by non-showbiz suitor on the eve of her birthday


Erwin Genuino, son of the PAGCOR chairman, surprised young actress Anne Curtis on the eve of her birthday. The non-showbiz guy is reportedly courting Anne.


Sinorpresa ang young actress na si Anne Curtis sa eve ng kanyang birthday last Friday, February 16, ng kanyang Viva Family (headed by Veronique del Rosario-Corpuz na siya ring manager niya sa Viva Artist Agency) at ang nali-link sa kanya ngayong si Erwin Genuino (anak ni PAGCOR Chairman Efraim Genuino) sa isang dinner sa Karaoke room sa 6th floor ng Hyatt Hotel.

Dapat ay 8:00 p.m. ang dinner, pero dahil sa traffic ay hindi nakarating on time ang mga guests. Pero bago ‘yon, inimbita muna ni Erwin si Anne na mag-dinner sa isang Chinese restaurant sa 5th floor ng Hyatt para hindi makahalata ang dalaga na may sorpresang birthday party sa kanya. Nang dumating na ang mga guests, inaya ni Erwin si Anne na mag-karaoke sila sa 6th floor ng hotel at hindi naman tumanggi ang young actress.

Nasorpresa nang husto si Anne pagpasok nila ng Karaoke Room dahil naroon na ang kanyang Viva Family at mga close friends out of showbiz. Grabe ang haba ng buffet table na pwedeng kumain ang may 200 guests!

Dumating din that night ang mga kasamahan ni Anne sa ASAP '07 na si Mark Bautista at ang Pinoy Dream Academy finalist na si Irish Fullerton.

Inimbita rin pala ng Viva ang isa pang nali-link kay Anne na si Luis Manzano, pero kasama raw ito ng Mommy niya na si Mayor Vilma Santos sa Batangas. Inimbita rin si Oyo Sotto, na ex-boyfriend naman ni Anne. Hindi rin nakarating si Oyo dahil hindi raw makaalis sa taping ng Makita Ka Lang Muli.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment portal) kay Anne, wala siyang inamin tungkol sa relasyon nila ni Erwin. Ang inamin lang ni Anne ay ipinakilala na siya as a "friend" ni Erwin sa daddy nito last week.

Matatandaang unang ipinakilala ni Anne si Erwin sa Christmas party ng young actress for the press last year. Pagkatapos nito ay may mga nagsulat na baka gamitin lang daw siya ni Erwin dahil papasok ang binata sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're really good friends now," sabi ni Anne tungkol kay Erwin. "Hindi naman ako yung nagde-deny kung may boyfriend ako."

Dagdag pa niya, "Hindi ko itinago noong kami na ni Oyo Boy, ganoon din nang maging boyfriend ko si Richard Gutierrez. Hindi ba naging open din ako nang boyfriend ko na si Paolo [Araneta]? At hindi ko rin itinanggi na muntik nang maging kami ni Luis. Hindi totoo na kami na ngayon ni Sam [Milby], we're just friends.



"Sa ngayon, ayaw ko muna talagang makipag-boyfriend. I'm old enough now to know kung sino na talaga ang gugustuhin ko, na siya na talaga ang mamahalin ko for life. Pero wala pa ngayon, mas gusto ko muna ang friendship kaysa courtship dahil hindi ako naniniwala doon. Kapag friend mo na ang isang guy, makikilala mo na kung sino siya talaga," paliwanag pa ng young actress.

Ayaw namang sabihin ni Erwin kung ano ang birthday gift niya kay Anne. Ang sabi niya lang ay nasa isang maliit daw na kahon ‘yon, pero hindi raw necklace or ring. Bukod dito ay may regalo pa raw na isang set ng Chanel bags si Erwin kay Anne.

Inabot na ng mismong araw ng birthday ni Anne ang kasiyahan. Anne turned 22 last February 17.

Ang birthday gift ni Anne sa sarili niya ay isang trip to Boracay kasama ang Daddy niya at mga cousins sa father side na nanggaling pa ng Australia. Kaya wala rin daw ang Daddy ni Anne sa birthday party niya ay dahil nauna na ito sa Boracay kasama ng mga cousins niya. Sumunod na lamang doon si Anne kahapon ng umaga. Wala ang kanyang Mommy dahil nasa Australia ito.

Hindi kasama si Erwin sa Boracay dahil may previous commitment na raw ito.

Babalik si Anne just in time sa taping niya ng Maging Sino Ka Man at sa shooting nila ng Ang Cute Ng Ina Ko sa Viva Films with Ai-Ai delas Alas and Luis under the direction of Wenn Deramas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN