Kris Aquino admits having marital problems


"It was not an easy decision. Sinasabi ko po sa inyo, umaamin ako, there were moments in the past few weeks, I wanted to give up. What held me there is that faith na kung may trial man na dumating ngayon, it's not always going to be bad. Kung may moments ng pagsubok, ng masakit, may moment naman na naging maligaya," said Kris Aquino (pictured, with husband James Yap).


Last week, Kris Aquino was noticeably aloof and cold to her husband James Yap during her birthday celebration in The Buzz.

The usual bubbly Kris was unusually silent. James tried to kiss Kris, but Kris didn't look at James. James gave her a peck on the cheek instead.

James was asked to give a birthday message to Kris. He answered, "Sana mapalaki natin si baby James na buo ang pamilya." The couple planned to name their firstborn James Yap, Jr.

Within days, tabloids started writing about the couple's marital status. Some wrote about a third party being involved—an alleged employee of the Belo Medical Group named Hope.

Others wrote about James supposedly asking Kris for a Porsche car. The couple were said to have had a big fight over this.

During yesterday's episode of The Buzz, the very pregnant Kris tried to answer the issues surrounding her marriage and family.

CREDIBILITY. Kris began, "I'll start off by saying na at this point in my pregnancy, hindi naman talaga ito ang gusto kong i-discuss, kaya lang napakahirap ho talaga na patuloy mag-host ng isang programang kagaya ng The Buzz, na magpre-pretend ka na magbubulag-bulagan ka o magbibingi-bingihan ka na hindi ikaw ang pinag-uusapan ng lahat ng tao.

"Inisip ko sa sarili ko, before coming here today, anong klaseng kredibilidad ang magkakaroon ako as a host kung hindi ko haharapin ‘yong mga isyung binabato sa akin."

She added, "Kasi baka sabihin ninyo na humarap si Kris kasi may mga advertising contracts na prinoprotektahan, may image na prinoprotektahan—wala po kasi po wala naman po akong na-violate na any morality clause.

"Humarap po ako sa inyong lahat kasi kung ganitong klaseng programa ang hinu-host ko, dapat handa rin akong harapin ang mga issue sa akin kundi wala akong karapatan to be a host on The Buzz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COLD SHOULDER. Kris admitted that there was tension between her and James during her birthday special.

She narrated, "Naglabasan lang naman lahat ng ito—noon may konting bulung-bulungan before my birthday—but noong birthday ko umiyak ako. Akala ng lahat super-happy sa birthday, di ba? ‘Tapos nakita ng lahat na may tensiyon na namamagitan sa amin ni James.

"Umpisahan ko by saying na umamin naman ako sa iyo na mga tatlong linggo talaga na may problema kami and before coming here [last week], nag-aaway kami. Ang ano ho doon is kung hindi siya mag-greet sa akin on my birthday, maraming magtatanong. Kung mag-greet siya, dapat ang hinarap namin sa inyong lahat nakangiti kami, pero hindi namin nagawa kasi nga tao lang kami. Siguro part of what I am, I've always tried my best to be truthful and to be honest.

"Ang ikaklaro ko lang po in defense of James, hindi niya po nabastos ang Mom ko [former President Cory Aquino]. Nag-uusap naman sila backstage. And in fact, maganda po ang relationship nila kasi mayroong naglabasan doon [sa mga tabloids] na hindi niya binigyan ng galang ang Mom ko, hindi niya nirespeto. Alam n'yo ho, this is the first relationship I've actually had na ang Mom ko wini-welcome ‘yong partner ko. Nag-uusap po sila. Tinatawagan siya ng Mom ko, kinakumusta ako at nangangaral din ang Mom ko sa kanya.

"So, hindi ko po sinasabi na perpekto ang pamilya namin pero alam n'yo ho, kung as far as James's relationship with his in-laws are concerned, okay. Siguro kinailangan ko lang magsalita on that matter kasi ayokong malagyan ng ibang kulay. Ayokong mabahiran ng hindi maganda ang pagsasama ni James sa pamilya ko."

BREADWINNER. Kris continued, "Prior to this and prior to mga pinag-usapan, may mga lumabas na aaminin ko na nasaktan ako talaga na inaakusahan ako na sugar mommy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po sikreto sa inyong lahat na successful ako. Pinaghirapan ko po kung anong mayroon ako, pero kawalang-hiyaan naman kung sabihin na walang ibang ginawa si James kundi magpabili ng ganito sa akin, humingi ng ganito or iasa ang pamumuhay ng pamilya namin sa akin lang.

"Of course, I earn more so I contribute more. Pero lahat po ng kinita ni James sa lahat ng commercials niya at kalahati ng kinikita po niya bilang basketball player—na maximum naman ang salary ng asawa ko—hawak ko po.

"Klinaklaro ko lang ‘yan kasi, with all the problems we had within the past month, hindi ko na-realize na nasasaktan pala ang asawa ko sa mga ganoong bagay. Kasi shielded ako e, kasi hindi naman ako naa-accuse, 'di ba? Ang masakit lang, parang lumalabas na kailangan kong bumili ng pag-ibig. Pero masakit para sa isang lalaki na sabihin wala siyang ibang ginagawa kundi umasa sa akin, lalong-lalo na maganda naman ang kabuhayan ng asawa ko at pinaghirapan niya kung ano mang mayroon siya ngayon."

MARRIAGE ON THE ROCKS. Kris also admitted that they've been having problems in their relationship during the past couple of weeks.

She clarified, "Inaamin ko nagka-problema kami. Inaamin kong nasaktan ako. Pero ganito po iyon e, in the past I have spoken very openly about my life because number one, I had to defend myself or number two, mayroong mga bagay na kailangan kong ipaliwanag.

"Ngayon, this is one instance na hindi ko kailangan i-defend ang sarili ko kasi wala po akong kasalanan. Asawa po ako, may pamilya kami, ako ‘yong nasaktan. So, anong kailangan kong i-defend? Pangalawa, kung mayroon akong kailangan ipaliwanag, lahat po ng mga paliwanag na kinailangan ko, naganap na sa loob ng tahanan namin.

"Lahat kayo you can speculate... Let's be honest. The only two opinions that count are, within that marriage, is James's opinion and my opinion. Lahat ng paliwanag na kinailangan kong marinig, narinig ko na sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ang mas mahalaga doon, hinarap ni James ang pamilya ko. Hindi niya tinalikuran ang mga kapatid ko kasi my two older sisters, ang Ate [Balsy] ko at si Pinky, masinsinan siyang kinausap. Hindi namin kinailangang humarap sa ibang tao kasi nangyari ito sa loob ng pamilya namin. Siguro iyon ‘yong pagkakaiba ngayon, pamilya kami."

PROTECTING HER FAMILY. She stressed, "Alam n'yo ho, it's my decision to stay married. It's my decision to protect this marriage and to protect my family.

"At kung sino man ang magtatangka na wasakin ang pamilya ko, sinasabi ko sa iyo, at this point in my life, hindi kita papayagan na mag-succeed for the simple reason na may bagong buhay kami na pinapasok sa mundong ito e.

"In less than three months, manganganak ako. Hindi ko na-experience ang magkaroon ng buong pamilya. I was a year-and-a-half noong nakulong ang daddy ko. Lumaki ako na hiwalay ang daddy ko sa amin. Lumaki si Josh na wala rin siyang tatay. So bakit ko hahayaan na ‘yong anak ko ngayon na may chance na magkaroon ng buong pamilya, hindi mae-experience ‘yon?"

JAMES'S APOLOGY. Kris said, "Humingi ng tawad ang asawa ko. Hindi ko sinasabing 100% napatawad ko na pero inunawa ko. Siguro, this is the only instance in my life na there was a man who owned up to whatever mistake he made.

"And kung sino man ang magdya-judge sa akin, kung may pamilya kayo, mauunawaan ninyo na kahit sinong misis bibigyan ng pagkakataon ang asawa niya dahil mahal niya ang asawa niya."

Before the show ended, James came in to clear the air.

James remarked, "‘Yon nga talagang nagkaproblema kami so humihingi talaga ako ng tawad sa kanya. Sinabi ko na, ‘Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.' And siyempre gagawin ko dahil mahal na mahal ko ang asawa ko ‘tsaka si Josh ‘tsaka ‘yong baby so handa ako kahit mahirap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

James turned to Kris, "Babe, sorry talaga na ‘yon nga nasaktan kita pero sinasabi ko nga na handang-handa ako na pagbayaran ito. Kahit anong mangyari, ipaglalaban kita ‘tsaka hindi ako gi-give-up... ‘Tsaka gusto ko lang sabihin na nahirapan ako talaga. Hindi ako sanay sa mga ganito, so talagang hindi na mauulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN