Ex-boyfriend of Chx Alcala joins showbiz


Love Thadani, ex-boyfriend of Chx Alcala, is one of the finalists for the Private Pair-fect model search of Privaten Property.



Private Property Apparel is re-launching its clothing line with the resumption of its model search staged two years ago. Four years itong ginagawa noon ng Private Property starting in 2001, ang Private Ei8ht Image Model search, but it was stopped two years ago.

From the same search nakilala ang ilang past winners like Jenny Miller, Valerie Concepcion, and Ms. Earth Water of this year, si Jasmin Chua.

With a new management, Private Property is also re-launching the said model search but is now called Private Pair-Fect. An open audition was done for new faces who have not endorsed any clothing line before ang ginawa ng Private Property late last year. From the many who auditioned, trimmed to 12 na lang ang contestants, six boys and six girls.

The grand finals will be held on April 28 sa Rajah Sulayman theater.

Kasama sa anim na male contestants si Love Thadani, the Indian ex-boyfriend of Chx Alcala, ex-Pinoy Big Brother housemate, who incidentally celebrated his 25th birthday on the day of the press con na ginawa sa Tomas Morato last Sunday night, February 18.

Si Love ang pinagbibintangan noong nagkalat ng mga sexy and provocative pictures of Chx while his ex girlfriend was still inside sa Big Brother house. Parang ganti raw ito ni Love noon kay Chx for splitting up with him.

Pero sa panayam ng PEP (PHilippine Entertainment Portal), sinabi ni Love na hindi siya ang kumuha ng mga pictures ni Chx. Si Chx daw mismo ang kumuha gamit ang kanyang cell phone. Through the cell phone's timer, Chx allegedly took a picture of herself na dapat ay ipapakita nga raw kay Love.

Ayon pa kay Love, hindi na rin niya nakita ang mga actual pictures dahil nawala ni Chx ang phone. Ang nakakuha raw nito ang nagpakalat ng pictures sa Internet. Hindi nga raw alam ni Love na natuloy ang pagkuha ni Chx sa sarili niya dahil na-text lang sa kanya ang pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN