Carlo Caparas still wants Sunshine Dizon to star in the film version of "Bakekang"


Carlo Caparas is planning to do a prequel of Bakekang for the big screen and he still wants Sunshine Dizon to play the lead role.



Marami pa rin palang kumukuwestiyon kay Sunshine Dizon kung bakit tinanggap niya ang title role sa primetime drama series ng GMA-7 na Bakekang. Bukod kasi sa pinapangit ang hitsura niya rito ay mayroon pa siyang dalawang anak na parehong 18 years old—ginagampanan nina Yasmien Kurdi at Lovi Poe—samantalang Sunshine is only 23 years old.

"Age is just a number. As an actress, you need to play the role given to you. Kung iisipin ko ang age ko, sayang ang opportunity, mawawalan ako ng trabaho," paliwanag ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during a mini-press con sa kanila ni Sheryl Cruz noong Tuesday evening, February 20, sa executive lounge ng GMA Network Center.

"I must admit na kung tinanggihan ko ito, manghihinayang ako dahil maraming magandang nangyari sa akin habang ginagawa ko ang soap na ito. Masasabi kong nahasa lalo ang kakayahan ko sa mga dramatic roles dahil ito na ang biggest role na nagampanan ko so far.

"Hindi ko pa po alam kung ano ang magiging ending ng Bakekang. May mga nagtatanong din sa akin kung gaganda raw ba si Bakekang sa ending. Kung ako po ang tatanungin, mas gusto kong hindi siya gumanda. Marami pang twists sa story, involving sa amin ng mga anak ko at kay Valeria [Sheryl], pero hindi ko pa nababasa ang buong script," sabi pa ni Sunshine.

Para sa kanyang role bilang Bakekang ay kinailangan ding magdagdag ng timbang ni Sunshine. Pero ngayon daw ay nagsisimula na siyang mag-diet to lose weight.

"Dati po ay 140 lbs. ako, ngayon 120 lbs. na lang," pagbabalita ni Sunshine. "Ang number one goal ko ngayon is to lose weight. Yung 20 lbs. na nawala sa akin since January, utang ko kay Dingdong Dantes.

Ayon pa sa kanya, "Tinupad niya yung promise niya na after New Year, igagawa niya ako ng diet na hindi abrupt ang pag-lose ko ng weight. Siguro po, ito rin ang sinunod niya noong ginawa niya ang Atlantika na kailangan niyang mag-lose siya ng weight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung first two weeks ko, ang kinakain ko lang, oatmeal sa breakfast, then chicken and vegetables. Then, saging saba and kamote saka fish.

"Mahilig pa naman akong magluto ngayon, pero hindi po ako kumakain ng mga niluluto ko, ipinapakain ko sa staff at mga kasama ko sa taping. Kung may time lang ako, gusto ko talagang mag-aral magluto dahil dream kong magkaroon ng isang malaking kitchen.

"Pero saka na po 'yon, halos wala po akong pahinga ngayon, kahit pagbabasa ng books, hindi ko na magawa. Nakita ko nga na ang dami ko palang books na hindi ko pa nababasa at nakabantay lang sa akin sa bedroom ko," nagbibirong pahayag ni Sunshine.

Wala pa raw siyang bagong movie na gagawin, although sinabi na sa kanyang gagawan daw ng movie version ang Bakekang at siya pa rin ang gaganap na bida.

"Thank you po kung totoo 'yon," sabi ni Sunshine. "Pero after po ng Bakekang, may bago na akong sisimulang show sa GMA-7. Wala pa lang po akong go signal na sabihin kung ano ang bago kong project na gagawin." (Balitang ang next project ni Sunshine for her mother network ay ang Impostora.)

Habang ini-interview ng TV crew sina Sunshine at Sheryl, dumating at sinorpresa ng mag-asawang Direk Carlo Capara at Donna Villa ang dalawang Bakekang stars. Nagpasalamat si Direk Carlo sa suporta ng media at mga televiewers. Si Carlo ang lumikha sa karakter ni Bakekang.

"Natutuwa ako dahil kahitmedyo late nang napapanood ang teledrama, nananatiling nasa number one ang rating nito. Alam ko, kasi araw-araw akong nakakatanggap ng rating mula sa staff," masayang pahayag ni Direk Carlo.

"Dahil sa soap, lalong nakilala ang pagiging isang mahusay na aktres ni Sunshine. Kaya tuloy ang pagsasalin namin sa pelikula ng Bakekang, pero ang gusto ni Donna ay yung prequel ang gawin. Yung Book 2 na ipakikita kung sino ba ang mga magulang ni Bakekang. Gusto namin ay ang buong cast pa rin ng Bakekang sa TV version ang lalabas sa pelikula, hindi na ako mahihirapang idirek sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako kundi si Donna ang makikipag-usap sa GMA Network at aalamin niya kung makikipag-co-produce sila o solo lang namin gagawin ito sa Golden Lions Films. Tamang-tama dahil magsi-celebrate na ng 21st anniversary sa March 12 ang Golden Lions Films," sabi pa ng writer-director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN