Vilma Santos still trying to fix problems with her brother-in-law


"Ayokong mag-away-away ang pamilya namin just because of politics. Akonaman, alam kong hindi ako makakapag-serve nang maayos sa Batangas kungmay problema naman sa amin. How can I be an effective public servantkung sa pamilya mismo namin may problema?" says Lipa City Mayor Vilma Santos.



Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Vilma Santos sa kanyang tanggapan sa munisipyo ng Lipa City last Wednesday morning, February 21. This is the day after magsalita ang kanyang brother-in-law na si Batangas Vice Governor Ricky Recto tungkol sa planong pagtakbo nito bilang governor of Batangas, whether tatakbo si Mayor Vi for the same position or not.

As of our meeting with Mayor Vi, 80 percent sure pa lang siya kung tatakbo nga siyang governor. Ang 20 percent daw kasi ay depende pa sa mapag-uusapan ng pamliya Recto. Anyway, hanggang March 29 pa naman ang deadline for filing of candidacy for the local government position.

Pressure kay Mayor Vi na makapagdesisyon na agad dahil marami na rin ang naghihintay sa kanyang move. Now on her last term as Lipa City mayor and after serving her constituents for nine years, the clamor is now from the whole of Batangas para mapaglingkuran niya.

Kung siya ang tatanungin, her leaning is towards the gubernatorial seat although she can run din naman as Batangas congressman. Kaya nga lang, with her brother-in-law now publicly announcing that he will run for the same position, iniiwasan ni Mayor Vi na magkagulo ang pamilya nila just because of politics.

"Ang election, 90 days lang. What counts more is after the election, kung magkakaayos pa ba kayo o hindi na," unang pahayag ni Mayor Vi.

"Ayokong mag-away-away ang pamilya namin just because of politics. Ako naman, alam kong hindi ako makakapag-serve nang maayos sa Batangas kung may problema naman sa amin. How can I be an effective public servant kung sa pamilya mismo namin may problema?"

Dagdag pa niya, "Hindi pa ako nakakapag-decide whether I will run for governor or not. Mag-uusap pa ang pamilya namin next week so we'll just see about this.

"Ayoko lang kasing masabihan na nagba-backout ako, that I'm turning my back to the people of Batangas. Ako, I'm willing to serve. Kaya lang, kung may ganitong problema, dapat maayos muna before I can run," sabi ni Mayor Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The administration party is betting on Mayor Vi to be its candidate sa Batangas for the gubernatorial seat. Ricky is under the opposition party.

Inamin ni Mayor Vi na before this, nakipag-usap na sa kanya nang personal si Ricky at sinabi niya ngang tatakbo siya bilang governor. Hindi nag-commit sa kanya si Mayor Vi.

Gusto ring ituwid ni Mayor Vi na hindi siya pinipilit ng kanyang asawa na si Senator Ralph Recto, or even the government, na tumakbo.

"I have a mind of my own naman. Kung ano ang magiging desisyon ko, it will be mine alone," mariing sabi niya.

May isa pang problema si Mayor Vi dahil first time na sabay silang mangangampanya ng kanyang asawa for an election. This is the first time na magsasabay ang local and national election na pareho silang tatakbo—Ralph is running for re-election as senator while Vilma will most likely run for governor. Willing si Mayor Vi to sacrifice her own campaign just to support her husband for his senatorial seat.

Mayor Vi admits she has a third option, other than running for the gubernatorial or the congressional seat—she can always quit.

"Mas importante sa akin ang pamilya ko at ang support ng aking asawa," pahayag ng Star For All Seasons. "Whatever happens, I will campaign for my husband because I believe in him.

"Kung hindi kami magkakaayos ni Ricky, puwede rin naman akong hindi muna tumakbo para walang gulo. Ayoko kasing nadadamay ang pamilya namin sa ganitong problema sa politics. Isa pa, my husband needs me," pagtatapos ni Mayor Vi.

Samantala, ang magiging running mate ni Ricky sa kanyang pagtakbo for governor ay ang aktor na si Christopher de Leon, na paboritong leading man ni Vilma. Kung saka-sakali ring tumakbo si bilang governor at manalo, posibleng ang maging vice governor niya ay si Boyet kung mananalo ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From movies to politics nga kaya ang tambalang Vilma-Boyet?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN