Leila de Lima commends Robin Padilla for extending aid to Kidapawan farmers

Apr 12, 2016
<p>Former DOJ Secretary Leila De Lima on Robin Padilla: "Nakikita ko passionate siya pagdating sa pakikilaban at pagtulong sa fellow Muslim… kasi he's a converted Muslim. So, saludo ako sa kanya pagdating diyan. And that's part of the reason kung bakit gu

Nakapili na ang senatorial candidate at dating Department of Justice (DOJ) Secretary na si Leila de Lima ng artistang gaganap bilang siya kung sakaling isasapelikula ang kanyang buhay.

Ito ay ang Kapamilya actress na si Dawn Zulueta.

Pahayag ni De Lima, “Dawn Zulueta ang iniisip ko.

“Well, she’s a good actress and for a serious movie… kasi iniisip ko, if you will ask me kung ano ang possible title, probably 'The Lady Justice.'

“That’s the story of my life, you know, yung mga nangri-raid, yung lumalaban para sa katarungan.”

Matatalakay din ba sa pelikula ang kanyang love life? Sino naman ang magiging leading man?

“Yung love life, yes… kaya nga ang pwedeng leading man niya si Richard Gomez.

“Pero I don’t know… ayokong mag-focus siya sa love life.

“Gusto kong mag-focus sa nagawa ko, yung paglaki ko, and then yung nagawa ko.

Continue reading below ↓

“Paano ako pinalaki ng parents ko, at paano ako nagtrabaho sa mga ibinigay sa aking trabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sec. De Lima sa kanyang get-together with the entertainment press, na ginanap kaninang tanghali, April 12, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

FAVORITE STARS. Tulad ng ibang tao, may mga paboriting celebrities din si De Lima.

Sa Hollywood stars, gusto niya raw sina Mel Gibson at Meryl Streep.

Sa local stars naman, paborito niya raw ang mga aktor na sina Robin Padilla at Cesar Montano.

Dahil nabanggit niya si Robin, hiningan ng PEP ng reaksyon si Sec. De Lima tungkol sa ginawang pagtulong ng action star kamakailan sa mga magsasakang naging biktima ng madugong dispersal sa Kidapawan, North Cotabato.

Matatandaang nakiramay sa mga namatayan at namigay pa ng bigas si Robin doon.

Saad niya, “Well, kaya ako isa sa mga gusto si Robin Padilla, kaya crush ko iyan kasi very strong ang appeal niya. Ma-appeal na ma-appeal talaga.

Continue reading below ↓

“Pero gusto ko rin yung mga paninindigan niya sa buhay. Yung lalo na for the causes, for the plight of the Muslim brothers and sisters, passionate siya doon.

“Nakikita ko passionate siya pagdating sa pakikilaban at pagtulong sa fellow Muslim… kasi he’s a converted Muslim.

“So, saludo ako sa kanya pagdating diyan.

“And that’s part of the reason kung bakit gusto ko siya as an actor and as a human being also.”

CELEBRITY ENDORSER. Natanong din si De Lima ng press kung magkakaroon ba siya ng celebrity endorser katulad ng ibang kandidato.

Sagot ng dating DOJ secretary, “Well, may makikita kayo, malapit na, na mag-e-endorse.

“Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino kasi magsu-shoot pa lang ng TV ad this week. Pero makikita niyo naman iyon.”

Puwede ba siyang magbigay ng clue?

Paiwas na sagot ulit ni De Lima, “Babae siya. Hindi ko na lang sasabihin kung sino kasi mawawala na yung suspense. Basta makikita niyo rin siya.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, libre o walang talent fee ang artistang mag-eendorso sa kanya.

Hindi ba siya tutulungan ng mga artista na kapwa niya Bicolano?

“Wala naman kasing move na ganun to endorse me.

“Pero early on, nagsabi na sila na tutulong; like sina Eddie Garcia, Roderick Paulate, and Bembol Roco.

“At saka si Imelda Papin, who’s quite supportive. Although she’s also a candidate. She’s a candidate in Camarines Sur.”

SURVEYS & IMPROVING JUSTICE SYSTEM. Samantala, masaya si Sec. De Lima na pasok siya sa top 12 senatoriables sa mga lumalabas na surveys.

Si De Lima ay kumakandidato bilang senador sa ilalim ng Liberal Party.

“I’m very happy that sa SWS and Pulse Asia halos pareho ang ranking ko sa 5 to 7. It’s very heartwarming.

“Of course, I’m still working hard to maintain and probably to improve my ranking.

Continue reading below ↓

“For a neophyte like a me [in the senatorial race], that’s a good ranking.

“You know, marami nang re-electionist, marami nang may karanasan sa eleksyon.

“Pero I’m happy na ako’y pumasok diyan sa circle of 12.”

Kung mananalo raw siyang senador ay pagtutuunan niya ng pansin ang justice system sa ating bansa.

“Siyempre tungkol sa justice system, kung paano natin ito mae-enhance para mapabilis ang usad ng mga kaso, pati ang criminal investigation process. 

“We’re also working on this Philippine version ng Proceeds of the Crime Act.

“There is such a legislation in England and European countries. Kasi doon tayo mahina.

“Kasi may mga anti-corruption efforts tayo na kulang, yung going after, searching for, and making sure na hindi nagagamit yung mga nakaw na yaman, ill-gotten wealth.

“And hindi lang ito sa mga mandarambong, hindi lang ito sa mga plunderers at corrupt, kundi yung yaman ng big criminal syndicates, that’s why it’s called Proceeds of the Crime Act.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Former DOJ Secretary Leila De Lima on Robin Padilla: "Nakikita ko passionate siya pagdating sa pakikilaban at pagtulong sa fellow Muslim… kasi he's a converted Muslim. So, saludo ako sa kanya pagdating diyan. And that's part of the reason kung bakit gu
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results