Paolo Contis denies breakup with Isabel Oli


"Si Isabel, she's a very private person kaya nga ang daming nagsasabi sa akin na parang iba raw ang pagha-handle ko sa relationship ngayon than before. I think mas okay. It's working na private person siya," says Paolo Contis about his relationship with Isabel Oli.


Hindi sinasadyang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Paolo Contis sa isang restaurant sa Tomas Morato last Friday, February 23. Sinamantala na namin ang pagkakataon upang hingan siya ng reaksiyon sa ilang isyung lumabas tungkol sa kanya at sa relasyon nila ni Isabel Oli.



Kailan lang kasi ay may lumabas na balitang nag-break na diumano sina Paolo at Isabel. Mariin itong pinabulaanan ni Paolo.



Ani Paolo, "Actually, hindi ko rin alam na may ganung kumakalat na isyu na pala tungkol sa aming dalawa. Nalaman lang din namin nang may mag-interview sa amin, isa sa mga TV reporter ng 24 Oras. Tinanong nga kami ni Isabel ng, ‘Break na raw kayo?'



"E magkasama pa kaming dalawa that time kaya nasabi namin, ‘Mukha ba?' Natawa na lang kami pareho. Of course, it's not true. Tapos, kinagabihan nga rin, ipinalabas sa 24 Oras, marami tuloy ang nagtawagan at nagtanong sa amin kung totoo nga raw ba na hiwalay na kami," natatawa na pahayag ng binata.



Super okay raw ang relationship nila ni Isabel ngayon at wala silang anumang na-encounter na problema kung ikukumpara sa ibang showbiz sweethearts.



"Relax lang kasi kaming dalawa," sabi niya. "At the same time, si Isabel, she's a very private person kaya nga ang daming nagsasabi sa akin na parang iba raw ang pagha-handle ko sa relationship ngayon than before. I think mas okay. It's working na private person siya. Kaya rin siguro kung anu-ano ang natsitsismis dahil wala e, wala silang maisip na i-intriga sa amin."

Unlike other couples, hindi raw sila yung kada okasyon, may nakahandang regalo dapat sa isa't isa. In fact, noong nakaraang Valentine's day, pareho raw silang walang material gift to each other.



"Nag-dinner lang kami no'ng mismong Valentine's day, nanood ng movie. Simple lang. Yung sumunod na araw nga, nanood kami ng concert ng MYMP, since inimbitahan kami mismo ng grupo," ani Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala kaming Valentine's gift. Kasi mahirap yung ganoon, yung kada okasyon na lang kailangan n'yong magbigayan ng regalo. Darating kayo sa point na parang pareho kayong mape-pressure na dapat, every ocassion, mas malaki yung ibibigay mo from the previous one.



"At saka, pareho kami ni Isabel na maraming inaayos. Sa part ko, alam niyang marami akong inaasikaso. Nasa stage ako ngayon na nagtatanggal ng ibang property para i-improve naman yung iba. And we both started the year na pareho kaming nasa saving mood," pagse-share pa ni Paolo.



Right now, sinisimulan na raw niyang ipaayos ang na-acquire niyang property sa bandang Parañaque at kapag natapos na raw ito, dito na niya gustong tumira. Sa kasalukuyan kasi, sa bahay pa rin nila—kasama ang kanyang mga magulang at kapatid—sa Mandaluyong siya umuuwi. Bukod sa property niya sa Parañaque, balak din niyang ipaayos ang nabili niyang lupa sa Don Antonio Heights sa may Quezon City.



Hindi rin daw naniniwala si Paolo sa live-in kaya hindi raw sila dapat matsismis ni Isabel na nagli-live kahit pa lumipat na siya sa sarili niyang bahay.



"Bawal ang live-in! Kasalanan ‘yun!" may himig biro na sabi pa niya. "At saka si Isabel, hindi siya papayag sa ganoong set-up. She's living with her family."

After ng Atlantika, mapapanood naman si Paolo ngayon sa Asian Treausres kung saan kontrabida muli ang gagampanan niyang role—si Sodama, ang mummy na binubuhay ngayon sa serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN