Gabby Concepcion has not yet returned, says his father


Gabby Concepcion (with daughter KC Concepcion) has been away from the limelight and the Philippines for more than 12 years, but his return to the country is very much anticipated.


Noong nakaraang linggo, lumabas ang balitang nasa Pilipinas na diumano ang dating aktor na si Gabby Concepcion. May mga balita pa nga na sa Cebu International Airport ito lumapag buhat sa Amerika para makaiwas sa media.

Matandaang pumunta ng Estados Unidos si Gabby noong 1994 sa kasagsagan ng Manila Film Festival scam, kung saan nasangkot ang pangalan niya, pati na sina Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto. Ang dating manager ni Gabby na si Lolit Solis ang umamin na siya ang utak ng nasabing scam. Ang nasabing pag-amin ni Manay ang pumutol rin sa career ni Gabby.

Bagama't kinumpirma ng ama ni Gabby na si Rollie Concepcion na magbabalik nga sa Pilipinas ang aktor pagkalipas ng mahigit labindalawang taon, itinanggi nito na dumating na si Gabby. Kasalukuyang maysakit si Mr. Concepcion.

"Hindi, di pa talaga dumating [si Gabby]," sabi ng nakatatandang Concepcion. "Di ba nga, kasi may sakit ako, e? Siguro nabalita ngang uuwi dahil bibisitahin nga ako. Plano ng mga bata, paparito sila sa April. Nabalita nga na uuwi siya at bibisitahin ako."

Sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas ay kasama raw nito ang kanyang present wife at ang mga anak nila. Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ng mga kamag-anak ni Gabby ang kanyang pagdating.

Kwento ni Daddy Rollie, "Yung dati niyang room, pine-prepare namin. Gagawin naming parang memorabilia yung mga write-ups para pag-uwi niya, e, makita niya. Kahit si KC, makita naman niya yung achievements ng daddy niya." Si KC Concepcion ang anak ni Gabby sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Matagal nang namumuhay nang tahimik sa Estados Unidos si Gabby, pero nananatiling bukambibig ng mga tao ang kanyang pangalan.

"Sabi ko [kay Gabby], ‘Natutuwa ako sa iyo dahil matagal ka nang nawala, naaalala ka pa rin ng tao.' ‘Nakakataba ng puso,' sabi niya, ‘pero tapos na movie career ko, may mga bata na. Iba na takbo ngayon.' Oo nga, nothing stays the same."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga tagahanga ng kanyang anak, lubos ang pasasalamat ni Daddy Rollie. "Salamat, kahit papaano, hindi n'yo pa rin malimutan si Gabby. Siyempre sa kanya, masarap yun."

Bago iniwan ni Gabby ang kanyang showbiz career, isa siya sa pinakasikat na leading men noong ‘80s hanggang ‘90s. Nagsimula bilang Regal Baby, naging kasabayan niya noon sina Maricel Soriano, William Martinez, Snooky Serna, at Albert Martinez.

Nakatambal na rin niya sa pelikula sina Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Dawn Zulueta, at iba pang malalaking female stars.

Si Gabby rin ang kauna-unahang naging leading man ni Sharon Cuneta sa pelikulang Dear Heart noong 1981. Naging magkasintahan ang dalawa at ikinasal noong September 23, 1984, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at tuluyan din silang naghiwalay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN