Angel Locsin advised by her father to concentrate on her career


Angel Locsin gave her father, Mr. Angel Colmenares, a grand birthday celebration last February 19. "She's a very, very good daughter and she's very concerned about me. She does what she can to help us," says Mr. Colmenares.



Pinayuhan si Angel Locsin ng kanyang ama na si Mr. Angel Colmenares na mag-concentrate na muna siya sa kanyang career. Sinabi ito ni Mang Angel sa taped interview sa kanya ng S-Files during his grand birthday celebration sa Grand Terrace, Quezon City noong February 19. Ang naturang pagdiriwang ay regalo ni Angel sa kanyang ama.

"I wish for the next two or three years, she will concentrate on her career," sabi ni Mr. Colmenares. Nagbiro si Angel sa sinabi ng ama, "so wala munang boyfriend."

Pagpapatuloy ni Mang Angel, "I would be happy if she would stay like that because she will be able to concentrate more and probably perform better."

Aminadong natakot ang ama para kay Angel dahil sa sinapit nito sa dating karelasyon na si Oyo Sotto. Payo pa niya, "You have to use your head, know when it is the right time. Also, know how to select the best person for you."

Umaasa rin ang ama na higit siyang mabigyan ng panahon ng anak. "I wish she will have more time, not during birthdays alone."

Sagot naman ng nakababatang Angel, "Ayokong magreklamo, yun yung totoong ibinibigay sa akin e. Blessing na rin yun. Iniisip ko lang yung ginagawa ko para sa family ko."

Maaari na silang magkasamang mag-ama ngayon sa ipinapatayong bahay ni Angel sa Don Antonio Heights, Quezon City. Madalang na kasing magkita ang mag-ama gawa ng sobrang kaabalahan ni Angel sa trabaho.

Ani Mang Angel, "Hopefully, when we transfer, she will have more time for me. Unlike now, she's staying in the condo and I'm staying in my house. We talk once in a while over the telephone."

Bilang pangwakas, narito ang mensahe niya para kay Angel: "She's a very, very good daughter and she's very concerned about me. She does what she can to help us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot naman ito ni Angel sa pagsasabing, "Kay Daddy, ‘wag ka masyadong mag-worry sa akin. Alam ko Daddy ginagawa ko. Alam ko Daddy, matagal na matagal pa tayong magsasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN