"Patay na patay siya kay James."--Hope's former co-employee


"Matagal na namin siyang pinagsasabihan na tigilan niya ang kabaliwanniya kay James dahil wala talaga siyang mapapala. Ayaw niyang maniwala," says a former co-worker of Hope at Belo Medical Clinic.


Hindi maikakaila na for over a week, ang isyu tungkol sa diumano'y affair ng mister ni Kris Aquino na si James Yap kay Hope Centeno, dating receptionist ng Belo Medical Clinic, ang paboritong usap-usapan, hindi lamang sa apat na sulok ng showbiz kundi maging sa mahihilig sumubaybay ng mga isyu sa local showbiz.


Noong February 25, sa magkatapat na programang S-Files ng GMA-7 at The Buzz ng ABS-CBN ay may parehong topic tungkol sa Kris-James-Hope issue. Sa S-Files, kung saan unang inilantad ni Hope nang buong-buo ang mukha sa publiko, ay nagpahiwatig siya na baka buntis siya. Sa The Buzz naman ay naghatid ng kanyang mensahe si Kris through Boy Abunda, at ipinalabas din ang excerpts sa panayam ni Korina Sanchez sa mag-asawang Kris at James para sa show na Rated K na inere rin noong gabing yun.


Ayon sa interview ni Hope sa Startalk, every Monday kung magpunta si James sa Belo Clinic sa Timog Ave., Quezon City for his facial. Tuwing Monday lang din daw sila nagkikita ni James. Sinabi rin ni Hope na maraming ikinukuwento sa kanya si James, even through text and phone calls, ng mga nagiging problema nila ni Kris.

Mariin itong pinabulaanan ng tatlong dating katrabaho ni Hope na sina Eliz Estrada Pescones, Mitos dela Cruz, at Nice Pangan. Wala raw katotohanan ang mga pahayag ni Hope at "obsessed" lang daw ito kay James.

Sagot naman ni Hope, ang mga dati niyang mga katrabaho raw ang nagsisinungaling at binabaligtad lamang daw siya ng mga ito para huwag matanggal sa trabaho.



Nagkatugma-tugma naman ang mga pahayag nina James at Kris at ng ilang empleyado ng Belo Medical Clinic. Wala raw diumanong relasyon sina James at Hope.



Kaugnay ng kontrobersiyang ito, may nakausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na dating empleyedo ng Belo Medical Group. Nakiusap siya na huwag na lamang siyang pangalanan dahil ayaw niyang madawit sa isyu at hindi naman na siya connected sa nasabing klinika. Pumayag siyang magsalita dahil gusto niyang linawin ang mga naging pahayag ni Hope, na nakatrabaho niya bago siya umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa dating katrabaho ni Hope, "Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Hope na ginagawa nila [ni James] yun sa clinic. Pero impossible thing yun kasi palaging may nakabantay sa 2nd floor para magawa nila yun." (Sa second floor ng Belo Clinic isinasagawa ang iba't ibang services para sa mga kliyente.)



Dagdag pa niya, "Totoo yung sinasabi nina Eliz, Mitos, and Nice na patay na patay siya [Hope] kay James. Nakikipagpalit siya ng sked ng off just to see Mr. Yap. Basta lalaki, makikipag-away talaga ‘yan. ‘Yan ang ugali niya."

"Wala siyang pakialam sa sarili niya or kaya sa kaibigan niya. Matagal na namin siyang pinagsasabihan na tigilan niya ang kabaliwan niya kay James dahil wala talaga siyang mapapala. Ayaw niyang maniwala. I don't know what's her point, why she has to appear on TV."



"Mabait naman si Hope. Pero pagdating sa lalaki, ewan parang nawawala na siya sa sarili niya," aniya pa.



Sa pakikipag-usap din ng PEP sa dating kasamahan ni Hope, hindi raw totoo ang lumalabas na edad ni Hope. Ang lumalabas kasi sa mga balita, si Hope ay 24 pa lamang, pero ayon sa dating Belo employee, 29 years old na raw ang babaeng nagke-claim na nakarelasyon niya si James.



Idinagdag pa ng dating empleyado ng Belo Clinic na baka raw desperate na si Hope dahil at her age, hindi pa raw ito nagkakaroon ng any serious boyfriend. Marami raw silang inirereto kay Hope noon, pero hindi raw nila alam kung bakit hindi nagkakagusto or natutuloy.

In the end, sinabi rin ng PEP source na naaawa siya kay Hope. Sa ginagawa raw nito, lalo lang nitong ibinilad sa kahihiyan ang sarili dahil anuman daw ang gawin, aniya, si Hope ang talunan sa situwasyong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN