Kris Aquino: "I want space--emotionally and physically."


"I'm just trying my best not to judge. Sino ba ang paniniwalaan mo, angtaong sumumpa kang mamahalin o sa taong gusto ka lamang sirain? Kayahumihingi ako ng space dahil ako ang naagrabiyado," says Kris Aquino.



Mukhang mas okay na ngayon si Kris Aquino nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Maggi Magic Sarap, kasama si Ai-Ai delas Alas, kaninang tanghali, February 27, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue. Nakakangiti na rin ang TV-host actress, taliwas sa nakita noong mga nakaraang araw na banaag sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil sa kontroberisyang kinasasangkutan nila ngayon ng kanyang mister na si James Yap.



"The mere fact that I came here, means I'm making the effort to make my life as good as possible," sagot ni Kris nang tanungin kung kumusta na siya ngayon.

Ang Maggi ang 23rd commercial ni Kris. Hilig din kasi ni Kris ang magluto kaya perfect siyang maging endorser kasama ang kanyang kaibigan na si Ai-Ai.

"Niregaluhan ko nga ang sarili ko ng isang salad master set. Ngayong nagpapagawa ako ng bahay, ang kitchen ang pinakamalaki ang floor area. Isang SieMatic Kitchen ang ipinalalagay ko roon, from Germany. Ganoon daw ang kitchen ni Pope Benedict XVI sa Vatican at ng ibang kilalang tao," nakangiting kuwento ni Kris.

GESTATIONAL DIABETES. "Pero marami nang bawal sa akin," patuloy niya. "Nang lumabas ako ng hospital last week, ang findings ng mga doctors ko, may gestational diabetes ako na kung hindi ako mag-iingat, three things ang pwedeng mangyari. First, yung magkaroon ako ng eclampsia kapag nanganak ako. Second, pwedeng maging very big ang baby because of the sugar na nakuha niya sa akin. And third, the child could actually die in my womb." (Ang gestational diabetes ay isang klase ng diabetes na nangyayari lang during pregnancy. Ang eclampsia naman ay ang pagkakaroon ng seizures or convulsions sa mga pregnant women.)

"Five times a day kailangang i-check ang blood sugar ko. Tinitiis ko yung pag-prick sa finger ko before eating and after eating, para sa baby ko. In two weeks, malalaman ko na rin kung nag-normalize na ang blood sugar ko. I'm praying na hindi naman ako maging diabetic, both sides of my parents, parehong may diabetes," sabi pa niya. (Blood sugar is the amount of glucose in the blood.—www.netdoctor.co.uk)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

True enough, habang may pa-game na "Meal or No Meal" na ginagawa sina Ai-Ai at ng host na si Boy Abunda for the press, dumating ang medical technician na kumuha ulit ng blood kay Kris bago siya pinayagang kumain. Normal daw naman ang kanyang blood sugar. Habang kumakain si Kris, sinabi niyang ipi-prick daw ulit ang kanyang finger para malaman kung tumaas ang blood sugar niya after eating chicken, veggie, and rice.

JAMES. Pagkatapos niyang kumain, sinagot lahat ni Kris ang mga personal questions tungkol sa kanila ni James kaugnay ng pagpapa-interview ni Hope Centeno, ang babaeng nagke-claim na naging karelasyon niya ang asawa ni Kris.Throughout the interview ay hindi binanggit ni Kris ang pangalan ni Hope kahit isang beses.

"I promise myself na kung ang balak nila sa akin ay pabagsakin ako, nagkakamali sila. Hindi ako tanga na magmumukmok na lamang sa isang tabi. I want to stay positive and healthy for my two sons, Joshua and Baby James," mariing sabi ni Kris.

"Alam ko, naapektuhan na rin si Joshua. Dama niya ang emotions ko. Kagabi, sabi niya sa akin, ‘Mom, kawawa si Tito James.' I asked him, ‘Why?' 'Sad siya,' sagot niya sa akin. Very basic ang nararamdaman niya, kung ano ang nakikita niya. Sabi niya sa akin, ‘Mom, hug tayo.' Kaya magdamag kaming magkayakap na mag-ina. Sabi pa niya, ‘I love you, Mama," madamdaming kuwento ni Kris tungkol sa anak niya sa aktor na si Phillip Salvador.

Nang tanungin naman kung kumusta na ang pagsasama nila ni James, nagpahiwatig si Kris na hindi pa rin nila naaayos ang problema nilang mag-asawa.

"I want space—emotionally and physically," sabi ni Kris.

Aniya pa, "Serious ang Mommy ko [former President Cory Aquino] sa advice niya sa akin na my responsibility now is, first to Josh and my baby; second to myself; and third, to preserve my family at huwag daw akong magpapahayag ng anumang bagay na isinasara ko na ang doors ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just trying my best not to judge. Sino ba ang paniniwalaan mo, ang taong sumumpa kang mamahalin o sa taong gusto ka lamang sirain? Kaya humihingi ako ng space dahil ako ang naagrabiyado. Sana maunawaan ninyo kami, huwag ninyo kaming pangunahan. Bigyan ninyo kami ng panahon na maayos ito. Kung anuman ang desisyon namin, iyon siguro ang dapat," pakiusap pa niya sa press.

Tuloy ba ang pagpa-file ng legal case ni James laban kay Hope?

"I don't ask him," sagot ni Kris. "Kung ano ang balak niya, kanya na ‘yon. I don't want to speak on his behalf. Basta ako, pinipilit kong maging matatag para sa mga anak ko. Sino ba ang may gusto na mangyari ito?"

Magkasama pa rin ba sila ni James sa Oakwood?

"Doon pa kami nakatira, but Joshua sleeps between us," pag-amin niya.

From Kris, nalaman din namin na niyayaya siya ng Mommy niya na lumipat siya sa bahay nito sa Times Street, Quezon City. Hindi pa lang daw siya sumasagot sa Mommy niya dahil pinag-iisipan pa raw niya ito.

GMA-7. Nang magtanong si Lhar Santiago ng 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA-7, sinamantala na ni Kris na masabi ang niloloob niya sa Kapuso Network kaugnay ng inilabas ng S-Files noong Linggo, February 25, tungkol sa relasyon nila ni Joey Marquez noon.

"Wala kayong karapatan na ibalik sa akin ang nangyari sa amin ni Joey," seryoso niyang sabi. "In-interview ko siya noong hiwalay na sila ni Alma [Moreno]. Ang mali ko, hindi ko muna hinintay na ma-annul ang kasal nila.

"Naroon si Joey, host siya ng show, bakit hindi man lamang niya ako ipinagtanggol, alam naman niya ang totoo?" patutsada pa niya kay Joey.

Sa showbiz-oriented talks shows ng GMA-7 na Startalk at S-Files din lumabas ang dalawang interviews ni Hope.

Kris is due for delivery after nine and a half weeks. Baby James pa rin daw ang magiging name ng baby. Hindi na raw niya ‘yon papalitan dahil ‘yon ang gustong name ni Joshua. Hahayaan ba niya si James na samahan siya sa hospital?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Caesarian ako at kung sasamahan niya ako sa operating room, hindi ko siya pipigilan. Hindi ko siya idi-deprive sa pagiging ama kay Baby James. Ayaw kong maulit yung nangyari kay Joshua na hindi siya naka-develop ng attachment kay Ipe [Phillip] dahil pinigilan ko. At naging malapit si Joshua kay James dahil naghahanap na si Josh ng father figure noon," pahayag ni Kris.

Sa scale na 1 to 10, nasaan na ang relasyon nila ngayon ni James?

"Please ask me that after a month," pag-iwas ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN