New show awaits the Final 14 of "StarStruck" Batch 4


The Final 14 of StarStruck Batch 4 will immediately have their own show on GMA-7.



Like the first batch of StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7, magkakaroon ng sariling show ang StarStruck IV after the Final Judgment.

The Danger Eight composed of Rich Asuncion of Bohol, Jewel Mische of Bulacan, Stef Prescott of Ilocos, Kris Bernal of Quezon City, Prince Stefan of Iloilo, Mart Escudero of Cavite, Paulo Avelino of Baguio, and Aljur Abrenica of Pampanga will further be trimmed down next Sunday, March 11 para maging Final Six.

Sa March 25 naman ang Judgment Night kung saan apat ang magwawagi ng ultimate slots—an Ultimate Pair, an Ultimate Hunk, and an Ultimate Sweetheart—and the two non-winners becoming the First Prince and Princess.

Mas masuwerte pa rin naman ang ika-apat na batch dahil sure nang pagkatapos ng kanilang contest, may sarili na silang show—a teen sitcom tentatively titled The Boys Next Door. Balitang lahat ng Final 14 will be part of the cast that will be headed by StarStruck III Sole Survivor Marky Cielo.

Noong unang StarStruck, bukod sa inilagay agad ang ultimate pair nina Jennylyn Mercado and Mark Herras sa third season ng Love To Love na "Duet For Love" at sina Dion Ignacio at Nadine Samonte naman sa "Kissing Beauty"—also from the Love To Love third season—plus the inclusion of Jennylyn, Mark, Rainier Castillo, and Yasmien Kurdi sa last batch ng Click, may sarili rin silang show, ang Starstruck Playhouse Presents.

Ito ang naging training ground sa pag-arte kung saan lahat sila ay binibigyan ng chance na magbida. Hindi ito naulit sa StarStruck II dahil isinabak agad ang Final Four na sina Mike Tan, Ryza Cenon, CJ Muere, and LJ Reyes sa "Mukha" episode ng Now and Forever, a heavy drama. Same thing with StarStruck III, kung saan isinama agad sa Encantadia ang ultimate pair na sina Marky and Jackie Rice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula ang taping ng The Boys Next Door immediately after StarStruck The Next Level ends.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN