Shaina Magdayao and Rayver Cruz already an item?


Rayver Cruz gave Shaina Magdayao a Chihuahua during their guesting on The Buzz. Shaina named the dog Rain, a combination of her name and Rayver's.



Seventeen years old na si Shaina Magdayao kaya allowed na siyang mag-entertain ng suitors. Ito ang in-announce ng bunsong kapatid ni Vina Morales nang mag-guest siya sa The Buzz , along with suitor Rayver Cruz last Sunday, February 25.

Pero nilinaw ni Shaina na may kundisyong ibinigay ang parents niya sa sinumang magtatangkang umakyat ng ligaw sa bahay nila. Kailangan daw magpaalam muna ang lalaki sa mga magulang niya. Na mukhang hindi naman magiging problema sa parte ni Rayver. Si Shaina na nga mismo ang nagsabi na hindi lang siya, kundi pati parents niya ay nililigawan ni Rayver kaya naman libreng-libre na ang binata na bumisita sa bahay nila Shaina.

Pero how true ang balitang nasagap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) from a reliable source na mag-on na ang dalawang young stars? Sabi nga ng mga nasa studio during their guesting sa The Buzz, halos langgamin sa sobrang ka-sweet-an sina Shaina at Rayver.

Di nga ba't niregaluhan pa ni Rayver ng Chihuahua si Shaina? Ayon kay Rayver matagal nang gusto ni Shaina na magkaroon ng pet dog kaya nagka-ideya siya na bigyan ang dalaga ng Chihuahua na pinangalanan ni Shaina ng Rain, kumbinasyon ng pangalan nila ni Rayver.

Napag-alaman din ng PEP from the same source na parang baby nila ni Rayver kung tratuhin ni Shaina si Rain. May diaper pa umano ito at may sariling cute na bed at nagpasadya rin siya ng mga damit para rito.

Gusto rin daw ni Shaina na kahit siya magpunta ay kasama niya si Rain. Dahil dito, hindi tuloy maiwasang magtampo ni Rayver, lalo't kung minsan ay ayaw ipahawak sa kanya ni Shaina si Rain. Na siyang pinagmumulan ng kanilang LQ (Lover's Quarrel).

Samantala, ayon pa sa source matapos ang trade party ng ABS-CBN sa Rockwell tent last February 27 ay magkasamang nanood ng sine ang dalawang young stars. Dahil dito, lalong umugong ang espekulasyon na mag-on na nga sina Shaina at Rayver na magka-loveteam sa ABS-CBN show na Star Magic Presents Abt Ur Luv.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang dahilan kung kaya labis na nalungkot ang six-footer na young actor nang malamang may balak si Shaina na sa United States na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nakatakda kasing magtungo ng Amerika ngayong 2007 ang dalaga para asikasuhin ang kanyang green card. Sa mga hindi nakakaalam, ang ina ni Shaina na si Mommy Deanne ay isang American citizen.

Ayon kay Rayver, ikakalungkot niya kung sakaling matuloy ang balak ni Shaina pero hindi niya hahadlangan ang alam niyang makakabuti sa dalaga. Pero sa dami ng magagandang plano ng Star Magic para sa tambalan nila ni Rayver, mukhang imposibleng mag-materialize ang planong ito ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN