"Bagets" stars create a foundation


The stars of Bagets and its sequel come together for a foundation that aims to help some poor but deserving students to continue their education.


Ang ganda-ganda ng layunin ng Bagets Foundation na binuo ng mga naging cast members ng pelikulang Bagets at ng sequel nito na sina William Martinez, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco, Eula Valdes, Jobelle Salvador, Yayo Aguila, Francis Magalona, Ramon Christopher, Cheska IƱigo, at Aga Muhlach.

Ang Bagets (1984) ang itinuturing na isa sa pinakamagandang Filipino youth-oriented movies of all-time. Tumabo nang husto sa takilya ang nasabing pelikula, pati na ang sequel nitong Bagets 2 na ipinalabas din the same year (although nawala na yung ibang nasa original movie).



Ang original na plano sana nila ay magkaroon ng Bagets reunion movie, pero ayon kay Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ay hindi pa raw plantasado ito. Although nakausap na raw nila ang Viva Films, ang nag-produce ng Bagets at Bagets 2, at ang direktor nila noon na si Maryo J. delos Reyes.



"Gusto kasi namin ay nakausap na ang lahat ng nasa original cast at pati na yung nasa sequel. We want everybody to be part of the reunion movie," paliwanag ni Herbert.



"Sa original cast kasi, si JC Bonnin lang ang wala rito because he's already based in London. Si Jobelle naman, sa Japan na nakatira. Sa cast naman ng Bagets 2, mostly mga babae ang wala. Kung makakasama sana sila sa reunion movie, mas maganda at mas malaki ang pelikula," aniya pa.

Wala rin daw naging problema kay Aga na siyang naging biggest star among the original cast ng Bagets. Gustung-gusto raw ni Aga ang idea ng reunion movie. Pero ang aktor na rin daw ang nag-suggest na unahin na ang pag-launch ng foundation.



"Si Aga na rin ang nagsabi na unahin na namin yung pagbigay ng scholarship sa mga students," sabi pa ni Bistek (palayaw ni Herbert). "Mabuti na raw yung may natutulungan na kami at may magandang goal na ang Bagets Foundation namin. Right now, we have ten college scholars na sinusuportahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakipag-tie up na ang Bagets Foundation sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa pagpili ng sampung estudyante na deserving ng kanilang scholarship. Bibigyan nila ng financial assistance ang sampung estudyante na mapipili. Ibig sabihin, walang magiging problema ang mga scholars na ito sa kanilang tuition fess, book allowance, uniforms at kung anu-ano pang gastusin provided na mag-e-excel sila sa kanilang academics at magpapakita ng interes sa pinili nilang kurso.



"Balang araw kasi, when they graduate, ang foundation na ang tutulong sa kanila to find decent jobs here or even abroad kung talagang maganda ang records nila. Ipagmamalaki namin sila sa iba pang magiging scholars ng aming foundation. Someday kasi, sila rin ang uupo sa foundation to continue whatever work we have started."



Kaugnay nito, magkakaroon ng isang fundraising project ang Bagets Foundation. Ito ay ang concert series ni Raymond Lauchengco sa Teatrino at Promenade, Greenhills on March 5 titled Classic Romance: Walking on Sunshine The Series.



For tickets, call Teatrino (721-0635/721-6726) or Ticketworld (891-9999). The proceeds will directly go to the Bagets Foundation. For any information about the foundation, email them at: bagetsfoundation@yahoo.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN