Nancy Castiglione: "Sana si Brad na ang right guy for me."


Nancy Castiglione hopes that Brad Turvey will be the last man in her life.



First time ni Nancy Castiglione na sumabak sa torrid kissing scene via the movie Xerox Copy at si Jao Mapa ang nakabinyag sa lips ng young actress.

Ang naturang pelikula ay mula sa Colours Films International at pinagbibidahan din ito nina Michael Rivero, William Redmond, at iba pa, sa direksiyon ni Deo Fajardo Jr. Nakatakda itong isali sa Gay & Lesbian World Digital Film Festival.

Present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng kissing scene nina Nancy at Jao sa Olongapo City last Saturday, February 24. Nadatnan naming ipinapaliwanag ni Direk Deo sa dalawa kung ano ang resultang gusto niyang makita.

"First screen kiss ko ito, totoong halikan, at medyo kinabahan din ako kahit paano dahil first time e. It's my first time working with Jao too and he's a good kisser," nangingiting wika ni Nancy.

"Idrinowing muna ni Direk, then ipinakita niya sa amin kung ano ang gusto niyang makita sa halikan namin ni Jao. Hindi naman siya [Jao] nag-take advantage. Kami na ni Jao ang nag-usap kung paano namin ito magagawang maganda. Hinayaan ko siyang maging driver at magdala ng eksenang ito. Kahit matagal yung kissing scene namin, okay namang lumabas, take one lang," pahayag pa ni Nancy.

Nagkataong birthday din ni Nancy nang araw na iyon, kaya't gusto sana siyang puntahan ng kasintahang si Brad Turvey. Pero si Nancy na mismo ang nag-discourage sa Australian hunk na huwag nang tumuloy dahil baka maka-abala pa sa shooting.

Sa ngayon ay masaya si Nancy at going strong pa rin ang relasyon nila ni Brad. Bukod kasi sa nagkakaintindihan daw sila, hindi iniintriga ang dalawa unlike noong past relationship niya with Paolo Contis and Bullet Jalosjos.

"Pagkatapos ng relasyon ni Brad kay Pops [Fernandez], kami na," sabi ni Nancy. "Kaibigan ko kasi si Brad ever since. Before talaga, ang tingin ko sa kanya, friend lang talaga. Then as time went by, sabi ko sa kanya, nag-iiba na ang tingin ko sa kanya. Kaya we waited for four to five months bago naging kami na talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Nancy na nanligaw din sa kanya ang young actor na si John Prats.

"Nanligaw sa akin si John Prats nang nasa PBB [Pinoy Big Brother] siya. E, that time, I'm not sure if I wanted to have a relationship again. Then I went to Canada, ‘andun din si Brad. Naging okey naman kami. Then after that, yun na, kami na!" pagbabalik-tanaw pa ng young actress.

"At saka kami ni Brad, nag-uusap kami in Tagalog kaya napa-practice yung pagta-Tagalog naming dalawa," pahabol pa niya.

"Kami ni Brad, 10 months na ang aming relationship. After Bullet, siya na. Si Bullet, two years din naging kami. Pero after ng relationship ko kay Bullet, two years din akong naging single."

Umaasa si Nancy na patuloy na maging maganda ang relasyon nila ni Brad at siya na ang pinakahihintay niyang right guy na magdadala sa kanya sa altar.



"Sana si Brad na ang right guy for me at hanggang simbahan na ito. Lagi ko namang iniisip na makatagpo na sana ako ng right guy, so sana ay siya na nga," pagtatapos na ni Nancy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN