Gretchen not yet ready to reconcile with Claudine


Gretchen Barretto (right) hinted that she is not yet ready to kiss and make up with estranged sister Claudine Barretto.


May mga naghintay sa pagdating ni Claudine Barretto sa 7th anniversary party ng YES! magazine at PEP (Philippine Entertainment Portal) launch nung Miyerkules ng gabi, Pebrero 28, na ginanap sa NBC Tent sa The Fort.



Nung Pebrero 20 ay tuluyang naisara ang legal rift ni Claudine at ng YES! magazine Editor in Chief na si Jo-Ann Maglipon nang iurong na ng korte ang natitirang isa sa tatlong libel cases na isinampa ni Jo-Ann laban sa aktres.



Dahil nagkaayos na sila at magkaibigan na ulit ang dalawa ay inimbita ni Jo-Ann ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago sa YES! anniversary at PEP launch party, pero hindi nakadalo ang mga ito.



Nang malaman ng mga TV crew na posibleng dumating that night si Claudine ay inulan ng mga tanong ang kapatid nitong si Gretchen Barretto kung magkakabati ba silang magkapatid ‘pag nagkita sila roon. Alam ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa nag-uusap ang dalawa at wala pang closure ang kanilang personal gap.



"Malay mo, ‘pag dumating si Claudine, magkabati na sila ni Gretchen, 'di ba?" dayalog ng close friend ni Gretchen na si Ruffa Gutierrez-Bektas.



Sinegundahan ng mga kaharap na press ang sinabi ni Ruffa, pero ang reaksiyon lang ni Gretchen ay isang kaswal na: "Ang showbiz n'yo, huh!"



Matabang ang mga sagot ni Greta, na para bang hindi siya sure kung handa na siyang makipagbati sa nakatampuhang kapatid. Kita namin sa kanyang mga mata at facial expression na tila naaasiwa siyang pag-usapan si Claudine at parang type niyang ibahin ang topic.

"Yung mga ganu'ng bagay, dapat huwag pilitin. If it happens, it happens. At saka mas maganda kung magbabati sila in private, na sila lang dalawa ang mag-uusap at hindi sa isang showbiz event na gaya nito," bawi ni Ruffa, na animo'y official spokesperson ni Gretchen nu'ng gabing ‘yon.

Kung anu-ano ang itinatanong kay Gretchen hanggang sa mapunta ang usapan sa Kris Aquino-James Yap-Hope Centeno brouhaha. Initially ay ayaw mag-comment ni Gretchen tungkol sa isyu at ang katwiran niya, "I'm not Kris, so I don't wanna talk about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniiwasan niyang mag-react pero nang may magtanong na, "What if it happens to you?" ay buong-ningning na sumagot si Greta ng, "I'll also do it in the cubicle! Ha-ha-ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN