Hope is "ready" should James file a case against her


James Yap is reportedly planning to file a case against Hope Centeno, the woman who claims she had an affair with Kris Aquino's husband.



Ilang linggo na rin ang nakararaan simula nang sumabog ang kontrobersiyal na love triangle diumano nina Kris Aquino, James Yap, at ang dating receptionist ng Belo Clinic na si Hope Centeno, pero patuloy pa rin itong pinag-uusapan sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas.

Maging sa mga comedy bars, restaurant, at ordinaryong umpukan ng mga magkakabarkada ay ito ang paboritong paksa. Kahit mismong mga artista at entertainment press ay usap-usapan rin ang bagong iskandalo na kinasasangkutan ng kontrobersiyal na TV host-actress.

Buong-akala nga ng publiko ay narinig na nila lahat ng puwedeng sabihin ni Hope kaugnay ng naging relasyon diumano nila ng mister ni Kris, nang magpa-interview ito kay Lolit Solis para sa Startalk noong nakaraang Sabado, February 25. Yun pala ay mas marami pa itong ini-reveal, off-cam, kay Manay Lolit.

SEXUAL ACTS. Ayon sa source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 1, sa Cafe Uno sa may Tomas Morato—walang takot na idinetalye ni Hope kay Manay Lolit ang kanilang mga "sexual actions" raw sa loob ng isang maliit na cubicle sa Belo clinic, kung saan naka-assign si Hope.

"Hopia" umano kung tawagin ni James si Hope, samantalang "Big Bird" naman kung tawagin ng huli ang una.

Ayon pa raw kay Hope, ginawa niya lahat ng alam niyang makakapagpaligaya kay James. Yung mga hindi kayang gawin diumano ni Kris ang siyang pinunan ni Hope para raw mapasaya ang 25-year-old cager.

Dagdag pa ni Hope, lahat daw ng sabihin ni James ay sinusunod nito. Nang sabihin diumano sa kanya ni James na iparetoke ang kanyang ilong, sinunod niya. Nitong huli, gusto diumano ni James na magpa-enhance siya ng boobs gaya ng ginawa raw ni Kris, pero bago pa ‘yon nagawa ni Hope ay pumutok na ang tungkol sa bawal nilang relasyon, na naging dahilan nga para matanggal siya sa trabaho.

Sa mga dating kasamahan naman ni Hope na nagpapa-interview sa TV at nagsasabing ilusyon lang ni Hope ang mga pinagsasasabi niya, batid raw ni Hope na binabaligtad diumano siya ng mga kasamahan dahil sa takot na mawalan sila ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigpit ngang tinutulan ni Hope ang sinabi ng mga dating kasamahan na obsessed siya sa asawa ni Kris. Wala raw itong katotohanan dahil sa totoo lang, hindi niya raw type si James nang una niya itong makita. Nahulog na lang daw ang loob niya sa basketball player nang pakitaan siya nito ng special treatment.

FLOWERS AND CHOCOLATES. Kapag nagpupunta raw kasi si James sa Belo Clinic, parati itong may dalang flowers and chocolates para sa kanya. Mariin naman itong pinabulaanan ni Dr. Vicki Belo nang magpa-interview ito sa TV Patrol World noong February 28, Wednesday, na para sa lahat ng staff ang mga dalang pasalubong ni James. Pero dahil obsessed nga raw itong si Hope kaya itinatago niya pati mga box ng chocolates na galing sa mister ni Kris.

TEXT MESSAGES. Ngunit ayon kay Manay Lolit, naniniwala siya sa lahat ng sinabi ni Hope. Nakita raw kasi ng dalawang mata niya ang mga text messages ni James na nakuhang i-save ni Hope sa cell phone nito.

PICTURES TOGETHER. Maging sa mga larawan nila ni James na ipinakita kay Manay Lolit ay maari raw sabihing mayroong espesyal na namagitan sa dalawa. Minabuti nga raw ng Startalk na huwag nang ipakita ang nasabing mga larawan na siguradong lalong ikasasama ng loob ni Kris.

Sa tantsa rin daw ni Manay Lolit ay hindi boba si Hope. At kung lumabas man ito at nagpa-interview, iyon ay para linawin lamang at iwasto ang iniisip ng ibang tao na "home wrecker" siya. Gusto lamang daw ni Hope ipaalam sa lahat na hindi siya, kundi si James, ang nag-flirt sa kanya, at ang tanging naging kasalanan daw niya ay ang nagpadala siya sa kanyang damdamin.

Pinabulaanan din ni Hope kay Manay Lolit ang nababalitang gustong mag-artista ni Hope kaya ito lumantad. Sa katunayan, nagbabalak daw mag-abroad si Hope dahil baka wala na raw mag-hire sa kanya ngayong ang tingin sa kanya ng lahat ay mang-aagaw ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ibang bansa, ayon pa kay Hope, doon lamang siya puwedeng magkaroon ng pagkakataon na muling makapagsimula.

DEMANDA. Samantala, nakarating na pala kay Hope ang balitang may balak ang kampo ni James na sampahan siya ng kaso dahil sa mga pinagsasabi niya sa Startalk. Tila nakahanda ang basketbolista na panindigan ang sinabi niyang wala silang naging relasyon ng dating empleyado ng Belo Clinic.

Dahil dito, agad daw napaluwas ng Maynila ang mga magulang ni Hope. Alam nilang hindi basta-bastang mga tao ang binangga ng kanilang anak kaya gusto nila itong suportahan.

Tila naalarma naman si Hope sa banta ni James kaya pinaghahandaan na raw nito ang demanda ng asawa ni Kris. Sa katunayan, humingi na raw ito ng kopya ng interbyu niya na lumabas sa Startalk.

Dahil pa rin sa bantang pagsasampa ng kaso ni James kung kaya tinanggihan na raw ni Hope ang iba pang gustong mag-interview sa kanya. Sapat na raw yung isang beses siyang nagsalita at naibigay ang kanyang panig at wala na siyang balak na sundan pa iyon.

Sa kampo naman ni James, hindi pa rin nila kinukumpirma kung may balak ngang mag-demanda and basketball star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN