Mikee Lee attacked by Isabel Blaesi's ex-boyfriend


Pinoy Big Brother Teen Edition runner-up Mikee Lee sustained a black eye after he was allegedly attacked by Isabel Blaesi's ex-boyfriend.



Nag-file ng demanda si Mikee Lee laban sa ex-boyfriend ng kaniyang nililigawan na si Isabel Blaesi.

Getting to know each other ngayon sina Mikee, first runner-up ng Pinoy Big Brother Teen Edition, at si Isabel, another Star Magic talent ng ABS-CBN. Co-stars sila sa Saturday teen show na Star Magic Presents: Abt Ur Luv although hindi sila ang mag-partner. Isabel is paired with Lauren Young who plays a tomboy at si Mikee naman, karibal ang kaniyang kapatid sa serye na si Aaron Agassi over Valeen Montenegro.

That is not keeping Mikee from courting Isabel though. Last Valentine, February 14, nagkasama ang dalawa sa isang date at inihatid pa ni Mikee si Isabel sa bahay nito. Doon nagsimula ang gulo.

Ayon sa kuwento ni Mikee, isang binata ang lumabas sa bahay nina Isabel at sinapak si Mikee. Nagulat si Mikee na akala niya ay isang kamag-anak ang binata dahil nanggaling nga ito sa loob ng bahay nila. Aawat pa nga sana si Mikee dahil akala niya may away sa loob ng bahay. Nagulat si Mikee nang sinapak pa rin siya ng isang beses causing a black eye.

Saka nalaman ni Mikee na ex pala ni Isabel ang binata, anak ng isang general.

Kinabukasan, nag-file agad ang magulang ni Mikee on his behalf ng multiple suits against the ex of Isabel pagkatapos magpa-medico legal. Mikee sustained a black eye.

Two counts of physical injuries and anti-child abuse ang isinampa ng magulang ni Mikee, who is still a minor at 17.

Family friend nina Isabel ang kaniyang ex-boyfriend at magkapitbahay sila kung kaya't nakakapasok ito sa bahay ng mga Blaesi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN