Will it be a grand slam year for Maricel Soriano?


"Kung ibibigay, e, di tatanggapin ko. Magiging masaya ako siyempre. It will really make me very happy," says Maricel Soriano about a possible best actress grand slam this year.



Simpleng ipinagdiwang ng Diamond Star na Maricel Soriano ang kanyang 42nd birthday last February 25. Binigyan siya ng surprise birthday party ng mga kasamahan niya sa sitcom niya sa ABS-CBN na John En Shirley. She feels so blessed dahil kasama niya ang mga mahal niya sa buhay.

Natuwa naman si Marya na sa unang pasok pa lang ng taon ay nanalo siyang Best Actress sa Young Critics Circle Awards para sa mahusay na pagganap niya sa Inang Yaya. Nominated din siya sa Golden Screen Awards at sa Star Awards for Movies. Marami ang nagsasabi na malaki ang chance ni Maricel na maka-grandslam this year.

"Naku, sana nga!" ngiti ni Maricel. "Parang birthday gift. Kung gugustuhin Niya, wala namang imposible. Kung minsan dumarating yung pagkakataon sa buhay natin na ayaw natin, pero nangyayari. Minsan naman gusto natin, pero hindi nangyayari kasi wala naman sa kamay natin lahat yun, di ba? Pero kung ibibigay, e, di tatanggapin ko. Magiging masaya ako siyempre. It will really make me very happy."

Nakapagsimula na rin si Maricel ng bago niyang pelikula mula sa Star Cinema, kung saan sa unang pagkakataon ay magtatambal sila ni Aga Muhlach sa big screen. Kasama rin sa movie nila ni Aga ang young actress na si Angelica Panganiban.

"Happy ako," sabi ni Maricel sa pagtatambal nila for the first time ni Aga.

"Siguro ‘eto na talaga ang panahon. Kasi hindi natin pwedeng kuwestyunin yung mga ganun, ‘no! Yung ba't di nagtagpo noon? O hindi nagkataon na nakagawa ng mga pagkakataon na pwede naman? Yung mga ganung pagkakataon o kasabihan," paliwanag pa ng multi-awarded actress.

Nang huli naming nakausap ang pamangkin ni Maricel na si Meryll Soriano ay nabanggit nito na binibigyan siya ng payo ng kanyang Tita Mary. Ano naman kaya ang masasabi ni Maricel ngayong hiwalay na si Meryll sa asawa nitong si Bernard Palanca pagkatapos lamang ng limang buwang pagsasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One-liner lang, ha? Mother knows best," maikli ngunit makahulugan niyang sagot.

Samantala, hiningan din namin ng reaksiyon si Maricel sa pagpasok sa pulitika ni Cesar Montano, na naging leading man niya noon sa ABS-CBN sitcom na Bida Si Mister, Bida Si Misis at sa pelikulang Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin.

"Alam mo bilang artista, si Cesar Montano, matagal ko nakatrabaho. Mahal ko ‘yan. Mahal ko si Sunshine [Cruz, misis ni Cesar]. Mahal ko yung mga anak nila," sabi ni Maricel.

Matatandaang natsismis din noon sina Maricel at Cesar dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Marami rin ang nag-akala na silang dalawa ang magkakatuluyan, pero hindi ito nangyari.

"Yun nga ang sinasabi. Minsan ganun, no? Pero iba yung plano ng Diyos sa atin. Pero it doesn't mean na di na kayo pwedeng maging magkaibigan," ani Maricel.

Dagdag pa niya, "Sincerely, ako, mahal ko yung taong yun. Marami akong mahal na tao dito sa industrya kasi sila yung tinatawag kong blessing dahil nagkaroon ako ng pagkakataoin na makatrabaho sila. Nagpapasalamat ako kasi lahat ng nakakatrabaho ko, parang blessing sila sa akin."

Pabor ba siya sa pagpasok sa pultika ni Cesar?

"Pagdating sa trabaho naming ‘to, yung... Mahal ko si Buboy [palayaw ni Cesar], okay? Wala nang pwedeng magbago diyan at nirerespetro ko siya. I wish him all the best at ipagdarasal ko siya," sabi na lang niya.

Nang tanungin naman kung ikakampanya niya si Cesar, hindi na sumagot si Maricel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN