Margaret Wilson: "I'm not related to Georgina Wilson."


Margaret Wilson is one of the top contenders for the three major titles at stake in tonight's Binibining Pilipinas beauty pageant.


"I'm not related with the Diazes, but I'm friends with Isabel Daza. She is the pamangkin of Gloria Diaz. Siya po yung model ng Human," panimula ni Margaret Wilson nang makapanayam namin ito sa pagbisita ng 2007 Binibining Pilipinas candidates sa planta ng New Placenta by Psalmstre, isa sa sponsors ng nasabing beauty pageant, last February 28.



"Siguro napagkamalan lang po ako because I'm also friends with Georgina Wilson. Siguro yun ang akala nila since we have the same last name. We're not related," paglilinaw ni Margaret na isa sa sinasabing pinakamalakas ang tsansang manalo sa coronation night ng Bb. Pilipinas mamayang gabi, March 3, sa Araneta Coliseum.

Nilinaw rin ni Margaret na hindi si Georgina ang napabalitang kandidata na related sa dating Miss Universe na si Gloria Diaz, na nag-back out sa Binibining Pilipinas.



"Ay, hindi po!" mabilis na sagot ni Margaret. "There was this one girl who decided to quit, pero it was very early on the pageant. Georgina never screened and she is based in Australia now. Doon siya nag-aaral."



Dagdag pa niya, "Well, from what I know, sa mga forms sa website, people are saying that I'm related to the Diaz family or I'm sisters with Georgina. But no, we're not related, we're just friends."



Ayon sa 17-year-old actress-beauty pageant hopeful, ang kanyang edge sa mga kasabayan niyang candidates ay may exposure na siya sa media dahil nga sa pagiging artista niya.

"Of course, I'm in showbiz. I'm with GMA-7 and did so many things with them. I did Encantadia, Love To Love, SOP Gigsters, saka I started off sa Kakabakaba Adventures," sabi ni Margaret, who stands at 5'9".



"So far, I've been in the industry roughly four years now. I've already developed strong personality, where intrigues will no longer affect my focus, like false comments, like the Diaz issue that I'm related to them. They are questioning my citizenship. Uhm, I'm dual citizen and I have a Filipino passport. It's valid, it's original. I have four Filipino passports, magkakadikit pa 'yon," paglilinaw pa ni Margaret bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN