Cita Astals vs. Isko Moreno in Manila's vice mayoralty race


Cita Astals denies that she started a smear campaign against her opponent Isko Moreno.


Friendly competition at walang below the belt ang laban nina Cita Astals and Isko Moreno para sa vice mayoralty position ng City of Manila.

Gayunpaman, dahil parehong galing sila sa showbiz, both Cita and Isko decided they would play it fair. Ang kahilingan ng dalawa ay may the best person win.

May isang smear campaign na lumabas against Isko recently sa mga maliliit na tabloids at quoted si Cita na siya diumano ang nagpalabas. Sa pare-parehong headline at verbatim na pagkakasulat, puro utang daw si Isko dahil sa sugal. Lahat nang ito ay galing daw kay Cita.

Cita cried foul, hindi raw siya ang nagpalabas nito. Nagkausap agad sila ni Isko to clear this up and the That's Entertainment graduate believed his competitor.

Ipina-check ni Cita kung saan nanggaling ang press release and she was able to pinpoint the culprit. Balitang ipinadala raw ito sa mahigit sampung tabloids ngunit ang mga malililit na babasahin lang ang nag-pick up nito kung kaya't hindi ito sumabog.

Still, Cita would like to make it clear hindi nga sa kaniya galing ang balita at hindi siya magbi-below the belt just to defeat an opponent.

Cita is running independent although lahat ng kakandidatong mayor, one time or another, nag-feeler daw sa kaniya to run with them. Sabi ni Cita sa tsikahan namin sa Taste of LA last Friday, March 2, we can put on record that although she is running independent, she is leaning towards mayoralty candidate Mark Jimenez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN