Vilma Santos to decide in one week if she will run for governor or not


"Gusto ko po ‘pag ako ay nagdesisyon, it will be final and firm. I willstand firm with my decision because at the end of this all, this willbe my responsibility kung ano man po ang mangyayari sa ating probinsiya," says Lipa City Mayor Vilma Santos.



Hindi pa rin nakakapagdesisyon ang Star for All Season at incumbent mayor of Lipa City na si Vilma Santos-Recto tungkol sa pagtakbo niya bilang governor ng lalawigan ng Batangas.



Nauna nang lumabas ang mga balitang umatras si Mayor Vi sa pagtakbo for governor dahil ayaw niyang banggain ang kanyang brother-in-law na si Batangas Vice Governor Ricky Recto. Nais ni Mayor Vi na maunawaan ng marami ang kanyang naging unang desisyon dahil hindi raw maganda kung kakalabanin niya ang nakatatandang kapatid ng kanyang mister na si Senator Ralph Recto.



Pero kahit na nga naglabas na ng desisyon si Mayor Vi magbibigay-daan siya sa kanyang bayaw, hindi pa rin daw natigil ang mga kung anu-anong balita laban sa kanila ng kanyang mister. Masyado raw masasakit at masyado raw personal na ang mga atake sa kanila.

Kaninang umaga, March 5, ay dumagsa ang mga tagasuporta ni Mayor Vi sa harapan ng Lipa City Hall para himukin siyang tumakbo for governor ng Batangas. Nagbigay ng mahabang pahayag si Vilma sa mga taong sumusuporta sa kanya.

"Siguro po napansin n'yo sa loob ng tatlong linggo, wala na pong laman ang news kundi kaming lahat, ang pamilya po ng Recto... Mula po kay Senator Ralph Recto, kay Vice Governor Ricky Recto, at sa inyong lingkod. Ito ay nagsimula po lamang dahil sa posisyon ng pagiging isang gobernador. At ang nagiging isyu po ay ang tinatawag nating power hungry o ang pag-aagawan sa posisyon ng isang gobernador.

"Hindi po naging madali sa aming lahat ‘yon. At kung ano man ang naging desisyon ko noon ay yun ay desisyon ko. At anuman ang magiging desisyon ko ngayon ay desisyon ko rin at walang iba.

"Ralph is my husband. And I love him and I respect him because he respects me. Vice Governor Ricky is my brother-in-law at siya rin po ay kapamilya. Pero sa pagtatapunan ng mga salita sa mga balita, ito ay hindi na po nagiging maganda. At let's face it, kahit paano ay nagagamit na ng pulitika, pero ang tinatamaan ay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang nitong mga nakaraang linggo, I chose to keep quiet. Wala akong interviews na pinagbigyan. Kasi nararamdaman ko na po na masyado na akong nagiging emosyonal. Emosyonal to the point na kapag emosyonal ang isang tao, hindi nakakapag-isip nang tama. Nag-stay lang po ako sa bahay ng isang linggo. I kept quiet.

"Lahat ng sama ng loob ko ay akin lang isinusulat. Sulat lang ako nang sulat para yung nilalaman ng loob ko at gusto kong sagutin ay mailabas ko sa dibdib ko. Dahil ang dinaranas ko ay hindi po madali. Sana'y naging ibang tao na lang, nagkataon lang po na brother-in-law at kapatid ng aking asawa." (Dito na naging emosyonal si Mayor Vi at hindi na napigil ang pagtulo ng luha.)

"Kung papaano po ako naging mayor, hindi ko rin po alam. Pero palagay ko po ay may purpose po ang Panginoon. [Hiyawan ang mga tao.] At ako po ay nasisiyahan na pinagbigyan po akong magsilbi ng mga Lipeño sa loob ng siyam na taon. Hindi ko po kakayanin lahat. Ako po'y nagdadasal sa Panginoon na ako'y tulungan Niya.

"Lumabas po sa diyaryo bilang respeto, I did not backout. Ang backout ay isang pagsasalita ng isang umaatras at tumatalikod. Hindi ko po tinatalikuran ang Batangueño. But I gave way, gave way is nagpaubaya, dahil nagkataon na ang makakaharap ko ay ang kapatid ng aking asawa. I did not backout, but I gave way.

"Sa mga ganito pong pagkakataon, ayoko pong magsalita ng isang pinal sa araw na ito kasi ako po ay emosyonal. Maraming-maraming salamat po sa tiwala ninyong lahat at kung ano man po ang mangyari, hindi ko po ito kakayanin mag-isa. Kung sakaling ipahintulot ng Panginoon at yun ang nagustuhan Niya't magsilbi, aba'y kailangan ko po ang suporta ng bawat isa sa inyo para sumuporta sa akin para pangalagaan ang napakagandang probinsiya ng Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po ang iniisip ko at idinarasal ay hindi na lang po bilang isang asawa, bilang isang ina, bilang mayor ng Lipa, at bilang isang artista... Hindi ko lang po mabitawan ang aking mga salita dahil ‘pag ako po ay nagsalita, hindi ko po matatanggap na ibabalik ko ‘yon sa aking mukha. Gusto ko po ‘pag ako ay nagdesisyon, it will be final and firm. I will stand firm with my decision because at the end of this all, this will be my responsibility kung ano man po ang mangyayari sa ating probinsiya.

"So give me time, within a week, I promise you, within a week. It's just that I cannot say yes or no today because I'm still emotional. This time, I will think, not only as a wife, a mother, a mayor of Lipa, an actress, but I will think and pray as a leader."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN