Tita Cory advises Kris not to make hasty decisions


"Lahat naman tayo ay nagkakamali, ang importante ay may matutunan tayong aral sa pagkakamaling iyon," says former President Cory Aquino about the controversies involving daughter Kris Aquino and James Yap.



Sa kabila ng matinding kontrobersiya na kinasusuungan ng anak na si Kris Aquino at asawa nitong si James Yap ay nakuha pang magbiro ng dating Pangulong Cory Aquino. Sa panayam ng 24 Oras ng GMA-7 noong Marso 2, Biyernes, sinabi ni Tita Cory na lalo lang daw sumikat ang isa pa niyang anak na si Benigno "Noynoy" Aquino, na tumatakbong senador, dahil sa nasabing isyu.

"Kilala siya dahil anak ni Ninoy, anak ni Cory, tapos Kuya ni Kris. At ngayon, mayroong James," sabi ng dating Pangulo ng bansa sa isang meeting na dinaluhan ng mga kababaihang sumusuporta sa kandidatura ni Noynoy.

Base sa pananalita ng dating Pangulo, mukhang wala itong galit kay James sa kabila ng ginawa ng Purefoods player na pananakit sa damdamin ng kanyang bunso kaugnay ng paglantad ni Hope Centeno na nagsasabing nakarelasyon niya diumano ang asawa ni Kris.



"Lahat naman tayo ay nagkakamali, ang importante ay may matutunan tayong aral sa pagkakamaling iyon," paliwanag ni Cory.

Positibo rin si Tita Cory na malalampasan ng mag-asawa ang dinaranas nilang krisis ngayon. Dagdag pa niya na pinayuhan niya si Kris na huwag magpadalus-dalos sa mga desisyon at isiping mabuti ang gagawin at palaging isaalang-alang ang sanggol sa kanyang sinapupunan at ang anak na si Joshua. Kaugnay ito sa balitang gusto nang hiwalayan ni Kris ang asawa. Balitang sa bahay na raw ng kanyang mommy sa Times St., Quezon City umuuwi si Kris kasama ang anak kay Phillip Salvador.

Pero gaano kaya katotoo ang nasagap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na gustuhin man ni Kris na hiwalayan si James ay hindi niya ito maaaring gawin dahil may malalabag siyang kontrata kaugnay sa mga advertisement na nilabasan niya? Milyun-milyong piso daw ang halaga ng nasabing advertising deal na pinirmahan ni Kris kaya sa ayaw at sa gusto ng kontrobersiyal na TV host-actress ay obligado siyang makisama kay James hanggang 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN