Andrew Wolff: "I have no plans of coming back to showbiz."


"Ang naging tingin ng iba sa akin, ‘Yang si Andrew Wolfe, basagulero,manggagamit, nanghuhuthot...' So, mahirap umangat, mahirap kongpatunayan sa mga tao na hindi ako ganoon, na hindi ‘yon ang totoo," says Andrew Wolfe.



Labis na naapektuhan ng mga intriga sa showbiz ang model-actor na si Andrew Wolff kaya nagpasya siyang mag-lie-low muna.

Naging kontrobersiyal ang hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Gwen Garci, pagkatapos nito ay naiugnay ang pangalan ng 21-year-old Filipino-British kay Keanna Reeves na nabahiran din ng intriga. Pinakahuli sa mga pangyayaring naglagay sa kanya sa alanganin ay ang insidente sa isang exhibition boxing match between him and Rommel Montano, na nauwi sa pikunan at hamunan sa pagitan ni Andrew at ng kapatid ni Rommel na si Cesar Montano.

Dahil sa pangyayaring ito, napagpasyahan ng barakong model-actor na mag-aral na lang muna, subalit hindi naman niya totally isinasara ang pinto sa showbiz kung mayroong magandang project na darating.

"Yung concentration ko ngayon ay sa pag-aaral ko. Umuwi ako ng England para ibenta yung bahay at kunin yung transcript ko sa school, sa Bristol University," panimulang pahayag ni Andrew nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last February 28.

"Dito [sa Pilipinas], hindi ko pa alam kung saan school ako papasok. Siguro, November ako papasok or June next year, kasi I was late for the deadline na, e.

Patuloy niya, "Yung pinag-aralan ko sa England is computer system sa engineering, but I didn't enjoy that so much. I've done a lot of soul searching last year, and I've decided na ang interest ko ay nasa architecture or civil engineering."

GWEN GARCI. Nilinaw rin ni Andrew ang pahayag ni Gwen na hindi totoong umalis na siya ng Pilipinas.

"No, umuwi ako sa England at bumalik na ako rito," giit niya. "Dito na kami magse-settle. I'm a Filipino citizen, I have a passport to prove it. Kasi laging parang nagdududa, e.

"Sinasabi ng iba na I'm a foreigner, mestiso kasi ako at akala nila na nagpunta lang dito sa Pilipinas para mag-showbiz. Pero my intention talaga ay hindi para mag-showbiz. From the start, I came here on vacation, maybe 2004, and nakilala ko si Gwen at na-in love ako. So hindi ko na binalikan yung pag-aaral ko," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, as we've split and I've grown up a little, nag-mature, studies ang gusto kong maging focus ngayon. Dahil kay Gwen, nakalimutan ko ang aking pag-aaral. That's the plain truth.

"With regards to showbiz, hindi naman ako nagpunta rito para mag-showbiz, e. Parang nasabit lang, kasi taga-showbiz yung naging girlfriend ko. Pero before kami naging magkakilala ni Gwen, model na ako," paliwanag pa niya.

NEWSMAKER. Pero labis daw naapektuhan si Andrew ng mga negatibong balitang idinikit sa kanyang pangalan kaya nagdesisyon siyang magpahinga muna sa showbiz.

Aniya, "Ang worst na intriga sa akin, nambubugbog, nanghuhuthot... Siguro may nagsasabi rin na parang gigolo ako. Mahirap, e. Mahirap i-please lahat ng tao kaya pahinga muna ako.

"Ngayon, kay Tito Douglas [Quijano, his manager] pa rin ako. Sabi ko sa kanya, huwag muna akong mag-showbiz, rest muna ako. Siyempre, fresh pa rin kasi yung mga issues kahit umalis ako, e. Three months akong wala sa Pilipinas. Even when I went to England, may issue pa rin, e. May mga balita raw na nasa Cebu lang ako, nagtatago lang. Maybe I'll let the issue die down. But for me, showbiz is not a career; it's a sideline, it's a hobby tulad ng modeling.

"Yung mga issue namin ni Gwen... Pero hindi lang ‘yon, pati na yung boxing at kay Keanna, nasira ang pangalan ko, e. Kaya ang naging tingin ng iba sa akin, ‘Yang si Andrew Wolff, basagulero, manggagamit, nanghuhuthot...' So, mahirap umangat, mahirap kong patunayan sa mga tao na hindi ako ganoon, na hindi ‘yon ang totoo. Kasi hindi naman pwedeng kausapin ko ang lahat ng mga tao rito sa Pilipinas, ipakilala ko ang totoo kong katauhan and i-explain ko ang truth," seryoso niyang sabi.

Patuloy pa ni Andrew, "Pero alam n'yo po, kapag may nakakilala sa akin—halimbawang hindi niya ako kilala before and nakilala niya ako—sinasabi niya na, ‘Si Andrew Wolff mabait pala yun.' So kung makikilala lang ako ng mga tao nang lubusan, malalaman nila ang tunay kong pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nag-decide ako, I have no plans of coming back to showbiz. Pero kung may offer naman, why not? Sayang naman kasi, hindi ba?"

BOXING & CESAR MONTANO. Sinabi rin ni Andrew na nagbo-boxing pa rin siya at game pa rin sa mga exhibition fights, basta sport lang ang laban. "Oo, game ako, pero sana yung kalaban, alam nila na sport lang 'yon na hindi dapat mapikon."

Kung si Cesar Montano ang makakalaban niya sa isang friendly fight, game ba siya?

"Friendly fight na siya ang kalaban ko? Well, lugi siya, e. Hindi rin naman okay kung magdadagdag siya ng weight at magbabawas ako, kasi hindi ganoon sa boxing. Yung manghahamon po, dapat sila ang magdagdag ng timbang, hindi ako ang magbabawas ng timbang," paliwanag ni Andrew.

Dagdag pa niya, "Isa pa, kahit maging same weight kami, hindi siya tatangkad, e. Weight lang ang madadagdagan sa kanya kaya lugi pa rin siya. Isa pa, kung bibigat siya, mas babagal din siya, e."

Hindi botante si Andrew dahil hindi siya nakapagparehistro, pero kung makakaboto ay iboboto kaya niya si Cesar bilang senador?

Tila nagdalawang-isip pa kung sasagot o hindi si Andrew dahil posibleng pagmulan na naman ito ng intriga, pero game pa rin siyang sumagot.

Ayon kay Andrew, "Hindi ko po iboboto [si Cesar], dahil hindi naman siya yung... I just don't think na siya'y karapat-dapat. Ano siya, artista, magaling mag-acting, magaling magdirek, may talent siya na... Napakagaling niya sa showbiz, pero pagdating sa pulitika, wala pa yata siyang alam. Hindi niya ‘yon linya, e. Siguro may alam din siya, pero may mas magaling pa sa kanya—yung mga abogado, yung mga nag-aral ng politics, yung may mga experience na.

"But you know, if he can help the Philippines, kung kaya niyang iangat ang Pilipinas, why not? Sasaludo ako sa kanya kapag nagawa niya 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero itong pananaw na ito po, opinion ko lang at walang personalan. Kasi kung personalan, hindi ba naging kaaway ko ‘yan, e, di sasabihin ko na lang na bad siya. Pero kapag Christian ka, hindi dapat ganoon, e. Pinatawad ko na siya, Catholic ako, e. Tapos na ‘yon. Kung ano man ang naging problema sa amin, tapos na ‘yon.

"Ever since that incident, hindi pa kami nagkikita. Pero kung magkita kami, wala namang problema sa akin. Bahagi ng showbiz ang nangyari, e. Hindi ba, nagka-rating ang mga show sa GMA-7 at ABS-CBN? It's for fun, showbiz is entertainment at hindi dapat seryosohin masyado," pangwakas na pahayag ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN