Carlo Aquino reveals past relationship of John Prats and Maja Salvador


Carlo Aquino is very open of his feelings about Maja Salvador.



Sinalubong kaagad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Carlo Aquino pagbaba pa lamang niya ng kanyang sasakyan papasok ng Zirkoh Greenhills. Sa naturang lugar kasi idinaos kagabi, March 6, ng Entertainment Press Society (Enpress) ang Nominees Night para sa 4th Golden Screen Awards. Hindi nominado this year si Carlo, pero noong 3rd Golden Screen Awards ay siya ang hinirang na Best Actor-Drama para sa pelikulang Sa Aking Paggising sa Kinamulatan.



Siyempre pa, ang tungkol sa panliligaw pa rin niya kay Maja Salvador ang kinumusta at tinanong namin kay Carlo. Yun nga lang, tila medyo atubili pa rin itong sumagot about Maja at panay ang tingin sa kinauupuan ng manager ng nililigawan na si Chit Ramos. Sabay sabi na, "Baka magalit si Tita Chit."



Pagkatapos i-assure ng PEP si Carlo na wala namang problema sa manager ni Maja ang panliligaw niya sa alaga nito ay saka lang ito nagbigay ng ilang impormasyon. Ayon kay Carlo, hindi pa raw sila dahil nanliligaw pa rin siya at two months na raw ang panliligaw niya sa dalaga.



"Siguro po, dalawa or magda-dalawang buwan," naiilang pa rin niyang sagot.

"Naku, natatakot talaga akong magsalita!" sabay tingin uli sa kinauupuan ng manager ni Maja.



Ang pagiging jolly raw ni Maja ang naka-capture ng interes ni Carlo.



In a way, tila si Carlo rin ang nakapagkumpirma ng naging relasyon nina Maja at John Prats dahil sa naging tugon niya sa tanong ng PEP kung nagpaalam ba siya kay John bago niya niligawan si Maja.



"Hindi na kasi tingin ko naman, hindi na kailangan dahil ang tagal na naman nilang wala, di ba?" sabi ni Carlo.



Seryoso raw si Carlo sa panliligaw kay Maja. Hindi rin daw niya nakikitang magiging hadlang ang relasyon nila kung saka-sakali kahit may ibang inila-loveteam sa kanila. Iba naman daw kasi ang personal at trabaho para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Trabaho naman kasi ang loveteam. Ako naman, alam ko namang lumagay. Basta trabaho, trabaho sa akin," maagap niyang sagot.



Busy si Carlo ngayon sa pagre-record ng magiging album ng banda niyang Sand Box under Viva Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN