Ara Mina: "I'm not a communist sympathizer!"


Ara Mina had no idea that the person she was dancing with in this photo taken during a concert in Amsterdam, Netherlands last December, is Jose Maria Sison, the founder of the Communist Party of the Philippines.



Sa itinagal-tagal niya sa showbiz, masasabing immune na sa intriga ang sexy actress na si Ara Mina. Pero aminado siya na kakaiba ang intrigang kinasangkutan niya lately kung saan na-publish sa front page ng ilang tabloid ang larawan niya habang nakikipag-duet at nakikipagsayaw sa founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison, o mas kilala bilang Joma.

Kuha sa Amsterdam ang nasabing picture nang maimbitahan doon si Ara last December para mag-show. Si Joma has been on self-exile sa Netherlands since the late '80s at itinuturing ng United Nations na isa ang grupong pinangungunahan nito sa organisasyon ng mga terorista na dapat katakutan sa buong mundo.

Aminado nga si Ara na ikinaloka niya nang tila bigyan ng malisya ng mga awtoridad ang mga litrato niya kasama ang nasabing komunista na natagpuan ni Armed Forces of the Philippines Public Information Office Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro habang tsine-check ang website ni Joma (josemariasison.org).

Kaya bago pa isipin ng publiko na isa siyang communist sympathizer ay agad nilinaw ni Ara sa isang telephone interview sa Startalk noong Sabado na trabaho lang ang ipinunta niya sa Amsterdam at sa katunayan ay dalawa sila ni Janno Gibbs na naimbitahan para mag-entertain ng mga kababayan natin sa nasabing bansa.

"'Yan yung show sa Amsterdam... parang malaking Christmas party so binayaran kami to perform and I think isa siya [Joma Sison] sa guests," esplika ni Ara.

Ipinagdiinan din ni Ara na hindi niya kilala si Joma. It so happened lang na nang tanungin niya ang audience habang nagpe-perform siya kung sino ang gustong makipagsayaw sa kanya ay si Joma nga ang naglakas-loob na pumanhik ng stage para makasama siya.

"Tinanong ko kung sino ang nakakaalam ng steps ng swing at niyaya kong samahan ako sa stage. Marami akong sinayaw that night," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sey pa ni Ara na nakilala lang niya si Joma dahil kay Janno.

"Nung nag-autograph signing na kami ni Janno, sabi niya, ‘Si Joma Sison o!' Sabi ko ‘Ha?' Parang familiar yung name pero hindi ko siya kilala," aniya pa.

Wala nga raw kamalay-malay si Ara na isang komunista pala ang nakasama niya sa stage. Nalaman na lang niya ito nang maglabasan ang mga litrato nila sa iba't ibang pahayagan noong nakaraang Biyernes.

"Ngayon ko na lang inalam yung background, 19 years ago pa 'ata siya umalis. Eight years old pa lang 'ata ako nun," sabi pa ni Ara.

Nilinaw rin niya na bilang isang professional artist ay hindi niya maaaring tanggihan ang kahit sino na gustong magpakuha ng litrato na kasama siya.

"Ang Jomang kilala ko si Joma—Jomari [Yllana]," biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN