'Bakekang' extended for another month


"It means na may ginagawa kaming tama at inaabangan talaga nila ang istorya nina Bakekang, Kristal, at Charming," says Sunshine Dizon.


Masayang-masaya ang buong cast and crew ng GMA-7 primetime drama series na Bakekang dahil na-extend na naman ito for another month.



Dapat ay hanggang last week of March na lang ang seryeng pinagbibidahan ni Sunshine Dizon dahil papalitan na sana ito ang bagong action-adventure show ni Richard Gutierrez na Lupin. Pero dahil sa magandang feedback sa istorya at magandang performance ng Bakekang sa ratings, napagdesisyunan ng management na i-extend ito hanggang April.



Natuwa nga si Sunshine dahil nabigyan ulit sila ng extension, which means may isang buwan pang trabaho para sa lahat ng bumubuo ng Bakekang. Proud si Sunshine sa buong production staff ng kanilang drama series dahil hardworking daw ang mga ito at hindi talaga sila nagpapabaya kahit na inaabot sila ng umaga sa kanilang taping.



Ani Sunshine, "Kung may sikreto man kung bakit parating mataas ang ratings ng Bakekang ay dahil sa production staff namin. Lahat kami talaga pagod sa buong araw ng taping, pero ang crew namin, parating on-the-go. Parang wala silang kapaguran."

Dagdag pa niya, "Kasi nga kapag nalalaman nilang mataas ulit ang rating namin against sa katapat naming show, ibang sigla ‘yon para sa kanila at para sa aming nasa cast. It means na may ginagawa kaming tama at inaabangan talaga nila ang istorya nina Bakekang, Kristal, at Charming."



Dahil sa isa pang buwan na extension, nawala ang lungkot ng buong cast ng Bakekang dahil akala nila ay magkakahiwalay na sila ngayong Marso.



"Isang malaking pamilya na kami sa Bakekang kaya habang papalapit ang pagtatapos, nalulungkot kami. Pero noong magkaroon nga ng isang buwan pang extension ay tuwang-tuwa kami. Kasi nga mami-miss namin ang bawat isa. Lalo na ako, mami-miss ko sina Lovi [Poe] at Yasmien (Kurdi) na gumaganap na mga anak ko. Kakaiba ang bonding naming tatlo," pahayag pa ni Susnhine.



"At siyempre, nami-miss din namin sina Direk Khryss Adalia at Direk Gil Tejada kasi sila ang nagbigay-buhay sa mga characters ng Bakekang. Malaking bahagi sila sa pagiging successful ng show namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Masaya rin ang creator ng Bakekang na si Carlo J. Caparas sa naging success ng kanyang classic comic story sa GMA-7. Nagpasabi na nga ito na gagawin niyang malaking pelikula ang Bakekang at gusto niya na si Sunshine ulit ang gumanap bilang bida.



Ang unang gumanap bilang Bakekang sa pelikula ay ang Superstar na si Nora Aunor noong 1978.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN