Gerald Madrid clueless on the current status of his relationship with Alma Moreno


Gerald Madrid is not sure if there's any way he can still do to save his relationship with Alma Moreno. When asked if he's willing to give it a second chance, he says, "After election?Pagkatapos mo akong paghintayin?" The actress is currently busy with her election campaign activities.


Mismong ang aktor na si Gerald Madrid ay hindi maipaliwanagkung ano na ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Alma Moreno.

"Hindi ko rin alam kung ano na ako, kung saan akolulugar. Ang status ko ngayon, parangfloating ako, e. Hindi ko alam, as inhindi ko talaga alam," pahayag ni Gerald sa taped interview ng S-Filessa kanya noong Marso 11.

Ayon pa kay Gerald, matagal na silang walang komunikasyon niNess (palayaw ni Alma Moreno) simula nang maging abala angaktres para sa pangangampanya nito bilang konsehal para sa isang distrito sa Parañaque. Bunsod nito, unti-unti umanong nawawala ang komunikasyon nilani Ness.

"Since November, hindi kami nagkikita kasi naging busy siya [saeleksyon]. Our relationship is parangpahinga muna or suffer, parang ganun. Hindi ko ma-explain..." sabi pa ni Gerald.

Samantala, pinabulaanan naman ni Gerald na maaring thirdparty ang naging sanhi ng panlalamig ni Alma sa kanya. "Walang ganungfactor. Noong pumasok ako dito sarelation, hindi ako nag-isip o sumubok magkaroon o gumawa ng kasalanan kayNess. Oras lang ang nawala, hindi namanpagmamahal ang ninakaw sa amin, e. Orasang nawala sa aming dalawa," pagpapaliwanag ni Gerald.

Dahil sa mga pangyayari, parang nawawalan na ng pag-asa siGerald na muli pang manumbalik ang kanilang pagsasama ni Alma.

"Hindi ko alam kunghanggang doon na lang talaga. Mahirapnaman siguro kung pipilitin pa," malungkot na pahayag ni Gerald.

Patuloy pa niya, "Hindi pa natin alam, pero bastasa akin, sinabi niyang tapos na. Kasi ganun 'yong tao na 'yon—kapag ayaw niya,sinabi niyang tapos na, tapos na."

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling balikan siya ni Alma matapos angeleksyon, ito ang naging sagot ng aktor: "After election? Pagkatapos mo akongpaghintayin?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN