'StarStruck' finalist Prince Stefan reunites with his mother


StarStruck finalist Prince Stefan saw his mother for the first time in eight years during the nationwide tour of the Final 6.


Isa sa pinakamatinding dahilan kung bakit ipinagdarasal ni Prince Stefan na makapasok sa Final Six ng StarStruck The Next Level ay para makasama siya sa Davao na first leg of the nationwide tour na gagawin ng natitirang six survivors.

Bagama't he represents Iloilo, Davao-based na ang kaniyang pamilya— composed of his mother and his two half-sisters, na ang isa ay half-Australian. Prince is half-Arabian, with a Saudi prince for a father na never niyang nakita.

Eight years na niyang hindi nakikita ang kaniyang pamilya dahil naka-base nga siya sa Iloilo, his stepfather being a resident of Davao. Ngayong nakapasok nga siya sa Final 6 together with Mart Escudero, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Jewel Mische, and Kris Bernal, natuloy na rin ang reunion niya with his family last Monday, March 12.

"‘Masaya po dahil sa eight years na hindi kami magkakasama, nagkita na rin kami sa wakas. Nakita ko na rin ang mga kapatid ko. Masayang-masaya talaga kami," text message ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal) that Monday night.

Nabalitaan kasi ni Prince na may karamdaman ang kaniyang ina ngayon, something to do with a blotched nose job kung saan unti-unti nang lumalabas ang buto ng ilong nito. Wish ni Prince na kung sakaling mananalo siya sa Final Judgment Night na gaganapin sa March 25, ipapagamot niya ang kaniyang ina.

Another wish ito for the prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN