Alex de Rossi ready to work with Jennylyn Mercado in 'Super Twins'


Alessandra de Rossi (right) joins the cast of Super Twins, which also include Jennylyn Mercado, whom Alex accused before as one of the reasons why she and ex-boyfriend Jeremy Marquez broke up.



Walang balak makipag-away si Alessandra de Rossi kay Jennylyn Mercado now that she's part of Super Twins.

Kapalit ng pagiging loyal ni Alex sa GMA-7 dahil hindi niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN to be part of Sine Serye's Hiram Na Mukha na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann, nabigyan si Alex ng dalawang shows with another one coming up.

End of week eight, papasok ang character ni Alex sa Super Twins na pinagbibidahan nina Jennylyn, Dennis Trillo, at Nadine Samonte. She will play Nickellina, ang half-sister ni Ian de Leon playing Manuel na ama naman nina Nicole Dulalia and Ella Cruz playing Sha Sha and Tin Tin.

Pinasok ang character ni Alex bilang replacement ng nag-leave na si Tanya Garcia who plays Alloya, ang pangalawang asawa ni Manuel. Tanya asked for a leave sa Super Twins because of her delicate pregnancy sa kanyang anak kay Pampanga Governor Mark Lapid and a replacement as a contravida to the two kids is needed so Alex is it.

Although her character will initially be associated with the two kids, magkakaroon daw ng eksena sina Alex at Jennylyn, who plays Super S, in the long run. Ito ang tiniyak ng head writer na si Dode Cruz, Executive Producer Edlyn Tallada, and Production Manager Rams David who gave a dinner for Alex kasama ang mga publicists ng show last Tuesday sa Dulcinea.

Okay lang kay Alex na makaeksena si Jennylyn, ang itinuro niyang third party noon sa isa sa mga matinding hiwalayan nila ng ex-boyfriend niyang si Jeremy Marquez. Trabaho lang daw ito at napakaliit naman talaga ng mundo para hindi sila magkasama sa isang show, lalo pa't pareho silang Kapuso.

Hindi rin daw niya aayawin si Jennylyn, tapos na yun at wala sa character niya yun. Welcome lalo kay Alex kung makikipag-ayos si Jennylyn sa kaniya. Pero ang point ni Alex, hindi siya ang unang lalapit para makipag-ayos. Dapat daw, kung sino ang dapat mag-sorry, siya ang unang gagawa ng move para makipag-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasok din si Alex sa L.U.V. Pow na papalit sa first season ng Magic Kamison. Kapag bumalik naman ang show ni Gladys Guevarra after the first season of L.U.V. Pow, si Alex din ang nakatakdang maging unang bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN