Aljur Abrenica shocked by Stef Prescott's exit on 'StarStruck'


"Lahat naman kami, talagang na-shock kasi sa umpisa pa lang ng contest, si Stef na yung nag-i-standout among the girls. Nakakalungkot kasi nga alam namin, talagang focused si Stef sa StarStruck," says Aljur Abrenica about Stef Prescott's elimination.


Marami ang nagtatanong sa StarStruck finalist na si Aljur Abrenica kung hindi ba siya nagi-guilty na hindi napasama si Stef Prescott sa Final 6. Kung si Stef daw kasi ang piniling maging ka-loveteam ni Aljur, imbes na si Kris Bernal, malamang daw na may chance si Stef sa Final 6.

Aminado si Aljur na nagulat siya nang hindi makasama sa Final 6 si Stef. Si Stef pa naman daw ang alam niyang tiyak na makakapasok dahil consistent daw itong mataas sa mga artista test nila.



"Lahat naman kami, talagang na-shock kasi sa umpisa pa lang ng contest, si Stef na yung nag-i-standout among the girls. Nakakalungkot kasi nga alam namin, talagang focused si Stef sa StarStruck. Very unpredictable ang Starstruck, anything goes, kaya sana okay na siya," sabi ni Aljur nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng announcement ng Final 6.



Sa kabila nito, wala naman daw guilt feelings si Aljur dahil sa simula pa lang ay alam naman daw ni Stef na si Kris ang gusto niya.



"Pinaka-close ko sa mga girls si Stef talaga," ani Aljur. Sabay kasi kami niyan parati, nagsusunduan kami. Alam naman ni Stef na ang turing ko sa kanya ay best friend talaga. She knows na si Kris ang gusto kong maka-loveteam. Naintindihan naman ‘yon ni Stef, e."



Nagsimula na ang nationwide tour ng StarStruck Final 6 last March 12 at matatapos ito sa March 16. Kasama na rin sa kanilang nationwide tour ang kani-kanilang homecoming moments, tulad ni Aljur na sumaglit sa Pampanga at binisita ang kanyang ex-girlfriend na ayaw namang magpa-interview sa camera.



Sa March 25 na ang StarStruck Final Judgment sa Marikina Sports Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN