All's well that ends well between Vilma Santos and her brother-in-law


"I'm happier now because we have been able to fix the problem within the family. As I've said before, the family is more important than politics," says Lipa City Mayor Vilma Santos about reconciling with her brother-in-law.



Natutuwa si Lipa City Mayor Vilma Santos dahil sa wakas ay naayos na rin ang gusot sa pagitan nila ng bayaw niyang si Batangas Vice Governor Ricky Recto. Matatandaang nagkaroon ng rift ang dalawa dahil sa kagustuhan ng magkabilang kampo na tumakbo for governor sa darating na May 14 elections.

Noong February 24 ay ipinasya ni Ate Vi na mag-give way sa kandidatura ng kanyang bayaw. Pero nagbago ang isip niya, humingi siya ng isang linggo para mag-disisyon, at noong Lunes, March 12, kinumpirma na nga nito sa harap ng may limang libong supporters sa Lipa Cultural Center na tatakbo siya for governor.

Balita nga na lalo pang lumala ang gap sa pamilya Recto nang magpahayag ang asawa ni Mayor Vi at kapatid ni Ricky na si Senator Ralph Recto ng, "This is not about the family, this is about who can serve the province better. I'll just pray for him [Ricky]. I don't think any of them [other Recto family members] are in public office in Batangas. I don't think they know the sentiments of the people of Batangas."

But all's well that ends well dahil balita ngang nagkaayos na ang pamilya.

"I'm happier now because we have been able to fix the problem within the family. As I've said before, the family is more important than politics," sabi ni Mayor Vi.

Dagdag pa ng actress-politician, bagama't hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang bayaw simula nang mag-announce siya ng candidacy for governor last Monday ay panay naman daw ang palitan nila ng text messages ni Ricky. Very thankful nga raw ang Star For All Seasons sa kanyang bayaw dahil palagi siya nitong ipinagtatanggol sa mga taong minamaliit ang kakayahan niyang mamuno sa nasabing lalawigan, partikular na ang incumbent Batangas Governor na si Armand Sanchez.

"I texted him [Ricky], ‘I love you.' I told him that I thank him for defending me against those who belittle my skills," kuwento ng multi-awarded actress and mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din ni Ate Vi na baka tumakbo na lang sa pagka-congressman sa fourth district ng lalawigan ang nakatatandang kapatid ni Senator Ralph para maiwasan ang banggaan nila sa May 14 elections. Gayunman, hindi pa raw ito sigurado. Humingi rin daw ng isang linggo ang kanyang bayaw para makapag-isip na mabuti bago i-announce ang kanyang desisyon.

"There's nothing definite yet. Ricky also asked for one week before he makes his decision. So, let's just wait for him," sabi pa ni Ate Vi.

Naniniwala naman si Senator Ralph na tama ang desisyon ng asawa, bagama't itinanggi niya na may kinalaman siya sa naging pasya nito.

"She has her own legacy," sabi ng asawa ni Mayor Vi, "people knew her even before they heard of me. I have to respect that and I am very proud of my wife."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN