Nino Muhlach released from jail after posting P200,000-bail


Former child star Niño Muhlach was arrested for possession of shabu last Tuesday.



Nakalabas na ng kulungan ang dating child wonder na si Niño Muhlach pagkatapos magpiyansa ng P200,000 dahil sa isinampang drug possession charges laban sa kanya.

Ayon sa report ng GMA News, nagtungo si Niño sa sala ni Quezon City regional trial court executive Judge Thelma Ponferrada kaninang alas-tres ng hapon. Sinamahan ang aktor ng tatlong miyembro ng Bicutan Regional Police Office nang hindi naka-posas.

Inaresto noong Martes, March 13, si Niño ng dalawang pulis pagkataposnilang makatanggap ng impormasyon na may magaganap na ilegal napagbebenta ng droga sa Shopwise mall sa Libis, Quezon City. Ayon pa sa impormasyon, isang lalaking nagngangalang Niño ang sangkot sa ilegal na bentahan ng prohibited substance.

Sa food court ng Shopwise ay huli sa akto na inaabot ni Niño angdroga mula sa isang babae. Nahuli ng anti-drug operatives ang aktorngunit nakatakas ang babae.

Hindi raw nanlaban si Niño nang maaresto siya. Nakiusap lang daw angaktor na huwag gumawa ng eksena ang mga pulis at sasama siya sa kanilasa presinto.

Nakulong si Niño sa police headquarters ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na ang "white crystalline substance" na nakumpiska kay Niño ay ang prohibited drug na shabu. Ang plastic sachet daw na nasa possession ni ng aktor ay naglalaman ng 1.9 grams ng prohibited substance.

Kahapon, March 15, ay kinasuhan si Niño ng paglabag sa Section 11 Article 11 ng Dangerous Drug Acts of 2002.

(With additional reports from gmanews.tv)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN