Maja Salvador and Mayo Suzuki both claim that they don't know each other


Aside from being linked to young actor Carlo Aquino, Maja Salvador and Mayo Suzuki have another thing in common—they don't know each other.


May common denominator sa young actress na si Maja Salvador at sa Fil-Japanese singer na si Mayo Suzuki bukod kay Carlo Aquinopareho nilang hindi kilala ang isa't isa.

Mayo, who turned 18 last January 17, will stage the grandest debut in Philippine showbiz this Saturday, March 24, sa Philippine Army Officers Club sa The Fort.

Reportedly costing P1.8 million pesos, Mayo will have 18 change of gowns (mostly by Archie Ranillo), 18 wishes from her girl friends, 18 treasures from her elders, three sets of 18 roses in three types of dances—red for the sweet dance, blue for the fast dance and pink for the maski-pops—and nine bands from her school Colegio San Agustin performing two songs each or 18 songs total. Mayroon din siyang 18-layered cake with 18 satellite cakes.

Ang mga Japanese classmates and friends ni Mayo, pati na ang Japanese businessman father niya, ay darating sa March 22 to witness this event na siguro naman ay hindi rin tatagal ng 18 hours.

Ang magiging escort ni Mayo will be Carlo, who already gave a birthday gift to her on her actual birthday—a bouquet of long stemmed roses. Hindi alam ni Mayo na may nililigawan pala si Carlo at yun ay walang iba kundi si Maja.

Hindi raw kilala ni Mayo si Maja. Tanong nga nito ay kung artista raw ba si Maja?

Si Maja naman, after introduced in two high profile movies last year, both from Star Cinema—ang Sukob and First Day High—will finally be launched this year, not by Star Cinema, but by Regal Films via My Kuya's Wedding.

Makakasama niya rito sina Ryan Agoncillo as her kuya, Jennylyn Mercado as her sister-in-law-to-be, and Jason Abalos as her partner. IC Mendoza is also part of the movie that will be directed by Topel Lee from Allan Tijamo's script.

Si Jason ang ipinapares ngayon kay Maja, first sa isang Maalaala Mo Kaya episode and then sa First Day High. Their team-up also won the Loveteam of the Year sa 7th YES! Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Maja na nanliligaw sa kaniya si Carlo. When asked if she allowed Carlo to be Mayo's escort sa debut nito, okay lang daw sa kaniya dahil nanliligaw pa nga lang daw si Carlo sa kaniya.

On the issue na hindi siya kilala ni Mayo, okay lang din ito kay Maja dahil aminado naman siyang hindi pa siya sikat. Isa pa, hindi niya rin naman daw kilala si Mayo to react


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN