Iwa Moto shrugs off Katya Santos's comments about her


Katya Santos named Iwa Moto as the "worst actress" on DJ Mo Twister's "Forbidden Questions."


Deadma lang ang young actress na si Iwa Moto sa mga comments sa kaniya ng Viva Hot Babe na si Katya Santos.

Sa "40 Forbidden Questions" ni Katya sa radio show ni Mo Twister sa Magic 89.9 na Good Times last March 14, tatlong beses nabanggit ni Katya ang pangalan ni Iwa: bad encounter with a celebrity, worst actress, and e-mail play.

Sabi ni Katya, nang mag-guest siya sa defunct QTV 11 show ni Iwa noon na Posh, dinaan-daanan lang daw siya ni Iwa at hindi pinapansin. At one point pa raw, habang nagte-taping siya, nakita siya ng kasama ni Katya na parang may ibinubulong about her sa isa pa nilang co-star na si Nikki Bacolod.

Together with Mark Herras, sila ang sa opinion ni Katya na worst actor and actress dahil hindi naman daw siya bilib sa mga product of reality shows. Parehong galing sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina Iwa at Mark.

Sa e-mail play, Katya said Iwa's e-mail could be "japanesebiatch@yahoo.com."

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iwa with her friends sa Starbucks Tomas Morato Friday night, March 16, kinunan namin siya ng reaksiyon tungkol sa mga pahayag ni Katya laban sa kanya.

May nakapagkuwento na rin daw sa kaniya about Katya's reactions towards her.

Hindi raw totoong dinedma niya si Katya, ayon kay Iwa. Pagdating nga raw sa set, nag-hello raw si Iwa kay Katya. Hindi nga lang niya kinausap si Katya all throughout dahil nahihiya siya rito, not formally introduced naman daw kasi sila.

Doon naman sa bulungan nila ni Nikki habang nagti-tape si Katya, totoo raw na nagbulungan sila, but definitely not about Katya. Ayon pa kay Iwa, may dahilan din daw kung bakit sila nagbulungan; nagti-tape nga noon so they have to be quiet in their conversation.

Tanggap din ni Iwa kung worst actress siya for Katya. She cannot please everyone naman daw with her acting. Mas natutuwa nga raw siya sa ganitong mga puna dahil mas lalo siyang namu-motivate to strive harder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Through it all, gusto pa ring humingi ng dispensa ni Iwa kay Katya for this misunderstanding. Ayaw niya ng may kaaway, lalo pa't established star na raw si Katya at siya'y nagsisimula pa lang.

As to her e-mail address, natatawang sinabi ni Iwa na hindi raw ito ang kaniyang e-mail address.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN