Direk Joey Gosiengfiao has been laid to rest


Veteran director Joey Gosiengfiao died of a heart attack last Friday, March 16, and was cremated on the same day.


March 15 ng umaga, Thursday, habang naglalakad sa Cubao at nakikipag-text pa kay Direk Maryo J. delos Reyes, inatake sa puso ang veteran director na si Direk Joey Gosiengfiao at bumagsak. Mabuti na lang, may nakakilala sa kaniya kung kaya't dinala agad siya sa pinakamalapit na ospital, sa Quirino Medical.

Na-revive na lang ng mga doctors si Joey dahil clinically dead na siya pagdating niya sa ICU.

Mismong araw ng kaarawan ni Direk Joey noong March 15.

Kinabukasan, March 16, at 3:50 a.m., binawian na ng buhay si Direk Joey. Nang hapon na rin yun around 2 p.m., sa Loyola Memorial sa Marikina, na-cremate na rin ang labi ng direktor.

Isang necrological service sana ang ibibigay ng Regal Films kay Direk sa Mount Carmel Church sa Quezon City, ngunit dahil magbibigay rin ang Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) ng isang misa for him sa Loyola Memorial at 9 p.m., pinagsabay na lang ito at ang 9 p.m. Loyola Memorial mass ang natuloy.

Nagsidatingan ang mga DGPI members, friends from the press, at ilang artistang nakatrabaho ni Direk Joey tulad nina Sheryl Cruz, Liezl Martinez, Benedict Aquino, and Mike Magat. Instead of the usual eulogy, Direk Boots Plata decided to let all of Joey's friends speak na lang. Instead of being sad, naging happy moment ang last mass for the director, although some could not help crying tulad ng talent manager at PEP blogger na si Douglas Quijano. Tito Dougs never entered the Trinity Church of Loyola dahil hindi niya makayanang huminto sa pag-iyak.

March 17, 9 p.m., inilagak na ang abo ni Direk Joey sa Loyola Memorial Columbary, kasama rin ang abo ng kaniyang ina. Nasa altar lang din daw ng bahay ni Joey ang urn ng abo ng kaniyang ina kung kaya't pinagsama na ito.

Joey was 65 years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN