Janno and Bing to file formal charges against alleged stalker


"Sinasabi niya [alleged stalker] sa text that she'll hire daw someone to kill them [his family]. There was even a day the texts went up to 80 messages from the same person. Nag-charge lang ako tapos pagbukas ko ng cell phone ko, may 80 text messages na ako galing sa kanya," narrates Janno Gibbs about the threats made by the alleged stalker.


Pinaghahandaan na ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga ang pagsasampa ng pormal na kaso laban sa 17-year-old dalaga na tagahanga diumano ng actor-singer. Isinumbong nina Janno at Bing ang dalaga at inaresto ng mga awtoridad noong Huwebes, March 15, matapos ang ilang ulit nito diumanong pagbabanta thru text na dudukutin at papatayin ang dalawa nilang anak na babae.

Sabi nga ni Janno na noong una ay ayaw pa sana nilang pansinin ang nasabing pananakot, pero nang tumagal ito ng dalawang buwan ay ipinasya nila ni Bing na isumbong na sa mga awtoridad ang ginagawa ng diumano'y obssessed fan. Hindi na nga raw naiwasang mangamba ng mag-asawa nang sabihin diumano ng naturang fan sa huling text nito na isasagawa niya ang planong pag-kidnap sa mga anak nila noong Huwebes, March 15. Kaya agad silang kumilos at isinumbong sa mga awtoridad ang tungkol dito. Maagap namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis para arestuhin ang suspect sa isang fastfood chain sa Kalayaan Avenue at kanto ng V. Luna sa Quezon City.

Sa panayam ng TV Patrol World, sinabi ng 17-year-old supect na may relasyon sila ni Janno at may nangyari na sa kanila, pero itinanggi ito ng singer-actor. Ngayon nga ay may kumakalat na text messages na nagsasabing nahaharap diumano sa statutory rape o panggagahasa ng menor de edad si Janno.

Sinabi naman ni Janno na walang katotohanan ito at naniniwala siya na pakana pa rin ito ng ipinadakip niyang alleged stalker. Expected na nga raw ni Janno na dahil sa ginawa niya ay mas marami pang paninirang gagawin ang suspect. Pero wala na raw siyang pakialam kung paniniwalaan ito o hindi ng mga tao dahil ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawa nilang anak ni Bing na sina Alyssa at Gaby.

"What the people will say is the least of my concerns these days. I am terribly depressed and so is my family. Kasi kung ako lang talaga, kaya ko yun, e. Pero ‘pag yung mga bata na, like I said, it's another story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ni-reveal din ni Janno na pati ang kanyang amang aktor na si Ronaldo Valdez ay biktima diumano ng pananakot ng nasabing fan.

"Hindi lang mga bata ang may death threats, pati ang Dad ko. Sinasabi niya [alleged stalker] sa text that she'll hire daw someone to kill them. There was even a day the texts went up to 80 messages from the same person. Nag-charge lang ako tapos pagbukas ko ng cell phone ko, may 80 text messages na ako galing sa kanya," kuwento pa niya.

Ikinatatakot nga raw ni Janno at ng pamilya niya ngayon ay nakalabas na uli ang suspect. Kaya minabuti nila ni Bing na huwag na munang papasukin sa school ang mga anak nila.

"Worried na naman kami especially for the kids, so we are planning our own efforts for their safety kasi kung ako lang talaga, kaya ko yun, e. Pero 'pag yung mga bata na, like I said, it's another story. Hindi muna namin sila papapasukin hangga't hindi naaayos ang lahat," sey pa ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN