Dingdong Dantes already has a follow-up project after 'Atlantika'


"Never naman nila akong pinabayaan. Never ko namang na-feel na parang hindi na nila ako kailangan," says Dingdong Dantes about his home studio, GMA-7.



Isa sa naging performer sa nakaraang 4th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society ay ang young actor na si Dingdong Dantes. Bago ang kanyang dance and song number with Zsa Zsa Padilla and Jericho Rosales, nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si Dingdong sa backstage ng Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza.



Unang kinumusta ng PEP kay Dingdong kung ano na ang follow-up project niya sa GMA-7 after niyang gawin ang fantaseryeng Atlantika. Masayang ibinalita ni Dingdong na may bago siyang sisimulang primetime series sa Kapuso Network.



"Meron naman, meron naman ng sinasabi. Isa sa mga naka-lineup na mga bagong shows ng GMA-7. Sana matuloy, kasi mahirap pang magsalita not unless tuloy na tuloy na nga. I'm still hoping and praying na sana matuloy," sabi ni Dingdong.



Ayaw pang magbigay ng anumang pahayag ni Dingdong sa bagong soap opera na gagawin niya sa Siete dahil matagal pa naman daw bago ito simulan. Pero aniya, if ever na matuloy siya rito ay gustung-gusto niya itong magawa dahil kakaiba raw ito sa mga past characters na ginampanan na niya. At the same time, he will get the chance to work din with new actresses.



Samantala, contrary sa ilang write-ups na hindi na siya masyadong priority ng GMA-7, especially after Atlantika, very much happy at secure pa rin daw ang pakiramdam ni Dingdong sa Kapuso Network.



"Never naman nila akong pinabayaan," kampanteng sagot ni Dingdong. "Never ko namang na-feel na parang hindi na nila ako kailangan. In fact, I still have two regular shows with them—tatlo pa pala dahil sa Sunday pa lang naman magpa-final ang StarStruck.



"I'm still in SOP at napapanood din kami ni Karylle ngayon sa second episode ng Magic Kamison. I feel there's so much for me to be thankful sa network. Never pa naman nila akong pinabayaan and I guess, the same goes with the other talents ng GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Dingdong, pagdating sa mga soap opera, normal lang naman daw na after ng isang serye, medyo kailangan din naman ng artist, especially ng mga main stars ng katatapos na series, na mag-break muna for a while bago mabigyan at magsimula muli ng panibagong project.

Noong 4th Golden Screen Awards, magkasabay pa rin dumating at umalis si Dingdong at ang girlfriend niya na si Karylle. Nangangahulugan ba ito na everything is still smooth sa pagitan nila ni Karylle?



"Oo naman! Wala naman talagang problema," natatawa at maagap niyang sabi.



Doon namin ipinasok ang isyung nagkakalabuan na raw silang dalawa. Na ang siste, siya na raw mismo ang himingi kay Karylle ng space muna sa relationship nila. Totoo ba ito?



"That's not true," paglilinaw niya. "Walang ganoong nangyayari. Okay kami ni Karylle. Kung ano yung dati, ganoon pa rin hanggang ngayon and still going stronger. Wala kaming nagiging problema.


"Well, siguro meron man, pero nothing that cannot be ironed. Lahat nasosolusyunan and all are little things lang naman. Actually, kung titingnan mo pa rin, parang hindi mo rin naman masasabing problema nga," sabi pa niya.



Bandang huli, si Dingdong na rin ang nagsabi na kung meron man daw siguro siyang ipinagtatampo sa ngayon sa girlfriend ay ang katotohanang hindi sila magkakasama sa mismong birthday ni Karylle on March 22.



"Sa ibang lugar kasi siya magbe-birthday, yun lang," natatawa niyang pahayag bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN