Jewel Mische voted as the least deserving among the 'StarStruck' Final 6


"Opinyon po nila ‘yon and we have to respect that. All I have to do isprove to them that I have improved and I deserve the place that I am inright now," says Jewel Mische after being voted as the least deserving among the StarStruck Final 6.



Aminado ang StarStruck finalist na si Jewel Mische na miss na miss na niya ang na-eliminate na kasamahan nilang si Paulo Avelino, na siya ring ka-loveteam niya. Si Paulo lang daw kasi ang naging sobrang close niya among the boys ng StarStruck. Tuwing may mga activities daw sila, sila ni Paulo ang magkatabi sa sasakyan at laging nagbibiruan.



Nang matanggal si Paulo at hindi nakasali sa Final 6 ay nalungkot nang husto si Jewel.



"I can't help but feel sad because nasanay na ako na kasama ko parati si Paulo. Just imagine na the whole week na may activities kami, si Paulo ang laging nasa tabi ko. Then, bigla siyang mawawala, nakakapanibago talaga. It's not the same when he's not around," malungkot na sabi ni Jewel.



Inamin din ni Jewel na hindi siya masyadong close sa dalawa pang female finalists na sina Kris Bernal at Rich Asuncion. Mas nasasabihan pa nga raw niya ng kanyang mga nararamdaman ang male finalist na si Prince Stefan.



Ayon kay Prince, para raw nanghina si Jewel nang hindi makapasok si Paulo sa Final 6. Pero pinayuhan ni Prince si Jewel na huwag siyang panghinaan dahil malapit na ang Final Judgment ng StarStruck The Next Level.



"Ilang days lang naman ako gano'n, but now I've recovered na. Nakakapanibago lang but I have to accept that Paulo will not be here all the time," sabi ni Jewel.



"Siguro right after na ng Final Judgment, whatever happens, I want Paulo and I to continue our special friendship. Like what I said before, marami pa akong gustong malaman kay Paulo and the three months na magkakasama kami is not enough. I wish that we get to know each other more after this contest."

Last Sunday, March 18, si Jewel ang nakakuha ng pinakamaraming votes mula sa StarStruck Avengers sa tanong kung sino among the Final 6 ang hindi dapat iboto ng Council (composed of Louie Ignacio, Lorna Tolentino, and Douglas Quijano) at ng viewers. Ayon sa mga bumoto kay Jewel, mas deserving daw kasi si Stef Prescott sa puwesto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Opinyon po nila ‘yon and we have to respect that. All I have to do is prove to them that I have improved and I deserve the place that I am in right now," huling pahayag ni Jewel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN