Paco Arespacochaga and KC Montero: Heaven's daddies


"Ang madalas na magkausap about Heaven is kami ni KC. ‘O ano ba angplanonatin sa anak natin? Paano ba natin didisiplinahin si Heaven?' ‘Pagnagkasundo kami ni KC, ikukuwento ko na sa asawa ko, siya namanikukuwento niya na kay Gene," says Paco Arespacochaga about hisrelationship with KC Montero, the husband of his ex-wife Geneva Cruz.


Isa sa pinakamakulay na relasyon noon ang kina Paco Arespacochaga atGeneva Cruz. Si Paco ay drummer noon ng sikat na bandang Introvoys,samantalang si Geneva naman ay dating miyembro ng singing group naSmokey Mountain na nagkaroon ng career bilang solo performer.

Nangmabuntis ni Paco si Geneva ay nagpakasal sila. Ilang taon langpagkatapos isilang ni Geneva si Heaven, nauwi sa hiwalayan angpagsasama nila ni Paco. Sa kanilang paghihiwalay, nagpalitan ngmasasakit na salita sina Geneva at Paco sa mga interviews sa kanilanoon.

Matagal na nanirahan si Paco sa Amerika atkamakailan nga ay nagbalik siya sa Pilipinas, in connection with thereunion of Introvoys. Sa panayam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kay Paco pagkatapos ng kanyang live guesting sa Startalk last Saturday ay inamin niyang pinagsisihan at ikinahihiya niya ang naging away nila noon ni Geneva.



"Pieceof advise lang sa mga naghihiwalay and I don't mean to impress uponanybody this, I got through this, di ako magmamalinis. I admit I didquarrel with Geneva on air and looking at you guys, it makes me feelembarrassed. Maghihiwalay kayo on camera, mag-aaway kayo on camera,tapos yung mga anak ninyo ang umiiyak. Kids don't know anything betterexcept to love both of you, give it to them, respect the kids bykeeping everything offline or don't fight, ganun lang," panimulangpahayag ni Paco.

Isa sa mga isyung inireklamo noon niGeneva kay Paco ay ang financial support nito kay Heaven. Nagkaayos naba sila tungkol dito?

"Nag-usap na kami ni Gene," sabi niPaco. "Sabi ko, kailangan ko na bang pumasok sa eksena? Sabi niya,hindi pa raw. So sabi ko, okay, ‘pag kailangan na niya, sabihin niyalang sa akin. In my case, I'm not naman irresponsible. Kasi ‘paggumagawa kami ng budget ni Tiny [Paco's third wife], may budget kamipara kay Heaven. Naka-set aside yun."



Dagdag paniya, "Di namin ibinigay kay Gene dahil di pa kailangan. Pero I canconfidently say na anytime na may kailangan siya, kay Gene mapupuntayun. And if Gene gets to light without needing it, kay Heavenautomatically mapupunta yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



It seems that Paco haslearned his lessons from the past and now he's happy na mas maganda atkumportbale ang relasyon nila ng dating asawa na si Geneva at ngpresent wife niyang si Tiny.



"I'm so in love with thetwo of them and I would say it with pride. Sabi ko nga, I'm nowexperiencing the sunshine after the rain. ‘Pag nakikita ko sina Geneand KC [Montero], I feel so in love with my wife because I know that mypast has been erased. Kumbaga, wala na yung past. Ang nakikita ko sakanilang dalawa is present. It makes me love my wife even more, kasiwala akong baggage na dala-dala," paliwanag pa ni Paco.

Nagpapasalamatdin si Paco kay KC dahil sa pagmamahal na ipinadama nito kay Heaven.Naikuwento rin ni Paco ang madalas na pag-uusap nila ni KC para safuture ni Heaven. Sa katunayan, noong nakaraang 11th birthday ni Heavenay silang dalawa ni KC ang nag-prepare ng party nito.



"Myson is actually growing into a young man now who has a good head on hisshoulders," very proud na sabi ni Paco. "Wala siyang resentment sabuhay, wala siyang question about the past. Actually, ‘pag nag-uusapnga kami ni Gene, lagi naming sinasabi na huwag na naming ibigay kayHeaven yung past, masaya siya with what he has right now. Mayroon siyangTita Tiny, his Daddy, mayroon siyang Mommy, and Daddy Yo. Wala siyangpakialam kahit na kanino pa siya sumama, ang loyalty niya ay nasa amingapat.



"Actually, nung birthday ni Heaven, kami ni KCyung nag-organize, e. Si Geneva nasa America and even Tiny. Kamingtatlong boys ang magkakasama sa birthday ni Heaven. Bonding ngmag-aama.



"Ang nakakatuwa nga, which is verycomfortable, hindi kami madalas nag-uusap ni Geneva about Heaven. Angmadalas na magkausap about Heaven is kami ni KC. ‘O ano ba ang planonatin sa anak natin? Paano ba natin didisiplinahin si Heaven?' ‘Pagnagkasundo kami ni KC, ikukuwento ko na sa asawa ko, siya namanikukuwento niya na kay Gene," masaya pang kuwento ni Paco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit mas madalas na kasama ni Heaven si KC, kampante pa rin si Paco sa relasyon nilang mag-ama.



Paliwanagniya, "Kahit na ang isang mag-ama ay magkasama for 20 years, kungwalang enough effort sa biological father, walang matibay narelationship yung mag-ama na yun. Same reason that in spite the fact nanakatira ang anak sa stepfather na nagmamahal sa kanya, and thebiological father comes in the picture—not to mess up the life of thechild but to augment what life is—yung puso ng bata, magkakaroon siyang space for the biological father.

"Nung na-realize koyun, di na ako naging insecure kung maging close si Heaven kay KC. Ibelieve KC has every privilege and every right to be loved by Heaven.Why? Because di niya obligasyon na mahalin ang anak ko, di niyaobligasyon pag-aksayahan ng panahon ang anak ko. Pwedeng anakan na langniya si Gene para magkaroon sila ng sariling anak, pero he decided nahindi. Itinuring niyang anak si Heaven, pinalaki niya ito na paranganak niya. Minahal niya na parang kanya at saludo ako sa kanya," sabipa ni Paco tungkol kay KC.

Sa kasalukuyan ay busy si Paco sa pagpu-promote ng reunion album ng Introvoys na In The Beginning, a compilation of their hits.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN